1
00:00:06,040 --> 00:00:08,920
ISANG SERIES MULA SA NETFLIX
2
00:00:25,160 --> 00:00:27,440
Ang galing natin sa pagtatalik.
3
00:00:31,000 --> 00:00:34,480
Pero kakapanganak lang namin
anim na linggo ang nakaraan.
4
00:00:46,160 --> 00:00:48,120
Tumitigil ba siya sa pag-iyak?
5
00:00:48,680 --> 00:00:50,520
Nasaan ang wet nurse?
6
00:00:50,600 --> 00:00:52,520
Kulang pa ang sexy talk mo.
7
00:01:15,920 --> 00:01:17,800
Kunin ko siya. Salamat.
8
00:01:23,360 --> 00:01:24,360
Elizabeth.
9
00:01:25,160 --> 00:01:27,080
'Wag mong pansinin ang masungit mong ama.
10
00:01:28,000 --> 00:01:31,720
Alam ni Anne na ang pagbigay kay Henry
ng anak na babae ay 'di sapat.
11
00:01:31,800 --> 00:01:33,880
Hindi 'to ang ipinangako niya.
12
00:01:33,960 --> 00:01:35,800
Hindi 'to ang kailangan niya.
13
00:01:35,880 --> 00:01:38,720
Kailangan niya ng anak na lalaki.
Ng tagapagmana.
14
00:01:38,800 --> 00:01:41,280
Nasa kaguluhan ang England.
15
00:01:41,360 --> 00:01:45,040
Nasa bingit ito
ng rebolusyong panrelihiyon.
16
00:01:45,120 --> 00:01:49,200
Tinalikuran ni Henry VIII
ang awtoridad ng papal,
17
00:01:49,280 --> 00:01:54,360
at determinado siyang lumikha ng bago,
malayang Simbahan ng England
18
00:01:54,440 --> 00:01:57,480
kung saan siya ang kataas-taasang pinuno.
19
00:01:57,560 --> 00:02:00,840
Alam ni Henry na
upang magawang kakampi ang lahat,
20
00:02:00,920 --> 00:02:04,560
ang tanging kailangan niya
ay ang lalaking tagapagmana.
21
00:02:06,640 --> 00:02:09,600
Siyempre, nabigo si Henry noong una.
22
00:02:10,760 --> 00:02:12,800
Nararamdaman niya
ang panggigipit para sa anak
23
00:02:12,880 --> 00:02:15,720
dahil ayaw niyang guluhin ang lahat.
24
00:02:17,320 --> 00:02:20,360
Malaki ang plano ng tatay niya
para sa mga Tudor,
25
00:02:20,440 --> 00:02:23,200
at anak na lalaki
ang ipinangako ko sa kanya.
26
00:02:24,200 --> 00:02:26,000
At tinutupad ng Boleyn ang mga pangako.
27
00:02:28,960 --> 00:02:30,800
'Di ka ba nagsasawa sa mga mansanas?
28
00:02:32,400 --> 00:02:36,040
Sabi ni Lady W na kain daw siya ng kain
ng bulate noong huling sanggol niya,
29
00:02:36,120 --> 00:02:38,080
kaya nagpapasalamat ako sa buwenas.
30
00:02:38,160 --> 00:02:39,160
Magandang punto.
31
00:02:40,680 --> 00:02:43,840
'Di ako makapaniwalang nagawa natin
nang mabilis matapos si Elizabeth.
32
00:02:44,360 --> 00:02:46,280
Nagsisikap naman kasi tayo.
33
00:02:47,960 --> 00:02:50,520
At 'di gaanong masama
ang pakiramdam ko tulad noong huli.
34
00:02:50,600 --> 00:02:52,480
'Di ka raw gaanong mahihilo kapag lalaki.
35
00:02:53,240 --> 00:02:56,800
Matatag ang mga atrologo ko
na lalaki raw ngayon.
36
00:02:58,400 --> 00:03:01,760
Ngayon umaasa tayo na isilang
ang ating anak na malusog.
37
00:03:01,840 --> 00:03:04,640
Iba ang inaasahan ni Anne.
Inaasahan niyang may ari ng lalaki.
38
00:03:04,720 --> 00:03:08,600
'Di mabuti ang anak na babae.
May anak na babae si Katherine ng Aragon.
39
00:03:08,680 --> 00:03:09,800
Tinanggal siya ni Henry.
40
00:03:09,880 --> 00:03:14,920
Kailangan ni Anne ng anak na lalaki
para masiguro ang kanyang korona.
41
00:03:15,000 --> 00:03:17,800
At ang kailangan na lang natin ay…
42
00:03:20,800 --> 00:03:23,720
Grabe, ang ganda niya!
43
00:03:23,800 --> 00:03:25,160
Katulad ng kanyang ama.
44
00:03:30,080 --> 00:03:31,120
Pourquoi?
45
00:03:31,760 --> 00:03:34,880
Kasi bawa't perpektong pamilya
kailangan ng aso.
46
00:03:34,960 --> 00:03:37,080
Ang aso ni Anne ay si Purkoy,
47
00:03:37,160 --> 00:03:40,680
na sinasabing nagmula
sa French "pourquoi,"
48
00:03:40,760 --> 00:03:41,840
ibig sabihin "bakit."
49
00:03:41,920 --> 00:03:44,720
Dahil ito'y may gulat na ekspresyon.
50
00:03:44,800 --> 00:03:46,600
Kaya't naging inspirasyon ng pangalan.
51
00:03:47,120 --> 00:03:49,960
ANIM NA BUWAN ANG LUMIPAS
52
00:03:50,200 --> 00:03:51,080
Purkoy.
53
00:03:51,800 --> 00:03:54,240
Upo.
54
00:03:54,880 --> 00:03:57,160
Suko na ako. Ako ang kailangang umupo.
55
00:04:00,120 --> 00:04:01,560
Sobrang pagod ko.
56
00:04:01,640 --> 00:04:03,520
Ang sakit ng paa ko.
57
00:04:06,240 --> 00:04:07,600
Purkoy, kunin mo! Dali!
58
00:04:07,680 --> 00:04:09,600
Huwag, 'di ang coronation shoes ko.
59
00:04:12,800 --> 00:04:15,200
Ramdam ko na kaya kong
pamunuan ang mundo noon.
60
00:04:20,400 --> 00:04:21,880
'Di ako mapakali, George.
61
00:04:23,120 --> 00:04:24,040
'Wag kang magkamali.
62
00:04:24,120 --> 00:04:27,680
Walang mas importante
sa pagbigay ng anak na lalaki kay Henry,
63
00:04:27,760 --> 00:04:30,520
pero ang dami kong gustong gawin.
64
00:04:30,600 --> 00:04:33,520
maliban pa sa mag-anak.
65
00:04:36,960 --> 00:04:38,680
Babaguhin mo ang mundo, Anne.
66
00:04:42,480 --> 00:04:43,840
Bigyan mo lang ng oras.
67
00:04:46,520 --> 00:04:51,280
Ang mga reyna ay inaasahang
magbigay lamang ng mga tagapagmana,
68
00:04:51,800 --> 00:04:56,880
pero may ambisyon at plano si Anne
na nakaugat sa kanyang asal.
69
00:04:56,960 --> 00:04:59,520
Marami pa siyang gusto para sa bansa niya.
70
00:04:59,600 --> 00:05:03,480
Si Anne ay inspiradong
gumawa ng pagbabago bilang Reyna.
71
00:05:03,560 --> 00:05:05,240
Gusto niyang tumulong sa tao.
72
00:05:05,320 --> 00:05:09,160
Ipinakilala niya ang kawang-gawa
sa monarkiya.
73
00:05:09,240 --> 00:05:10,760
Gusto niyang tumulong sa mahirap.
74
00:05:10,840 --> 00:05:12,800
Gusto niya ng mas magandang edukasyon,
75
00:05:12,880 --> 00:05:15,520
at siyempre, gusto niya rin
ng reporma sa relihiyon.
76
00:05:18,280 --> 00:05:20,240
Kahit ang pinakatapat na Katoliko
77
00:05:20,320 --> 00:05:23,760
ay tinatanggap na ang katiwalian
sa mga monasteryo ay sumosobra na.
78
00:05:24,600 --> 00:05:27,080
Iyong mga gahaman ay may-ari
ng pinakamagandang lupain.
79
00:05:27,960 --> 00:05:30,480
Ang lupaing 'yan ay dapat nasa Korona.
80
00:05:30,560 --> 00:05:35,160
Si Cromwell ay nakikibahagi
sa mga ideyang repormista,
81
00:05:35,240 --> 00:05:38,920
at naiintindihan niya
na may malaking kayamanan
82
00:05:39,000 --> 00:05:43,960
ang nakaimbak
sa mga monasteryo ng England.
83
00:05:44,040 --> 00:05:48,640
At nakikita niya ang pagkakataon
upang ilipat ang kayamanang 'yon
84
00:05:48,720 --> 00:05:51,040
papunta sa kamay ng Hari.
85
00:05:51,120 --> 00:05:53,280
Magagamit natin nang mabuti
ang perang 'yon.
86
00:05:53,360 --> 00:05:56,800
Kailangan ng ating bayan ang edukasyon,
tulong kapag sila'y may sakit,
87
00:05:56,880 --> 00:05:58,880
at bubong sa kanilang ulo.
88
00:05:59,480 --> 00:06:01,880
-Reyna ng bayan.
-Seryoso ako.
89
00:06:01,960 --> 00:06:05,600
Ang dami ng perang naimbak
ng mga monasteryo ay kalabisan.
90
00:06:05,680 --> 00:06:09,320
Tumutulong dapat sila sa mahihirap,
hindi nagpapayaman.
91
00:06:10,280 --> 00:06:11,880
Kailangan nga ng pagbabago.
92
00:06:12,400 --> 00:06:16,280
Si Anne ay 'di tulad ng ibang reyna.
Gusto niya maging ina ng tagapagmana
93
00:06:16,360 --> 00:06:18,520
pero gusto niya ring
maging ina sa kaharian.
94
00:06:18,600 --> 00:06:21,680
Gusto niyang kunin ang kayamanan
ng England mula sa mga monasteryo,
95
00:06:21,760 --> 00:06:23,680
at ibigay sa mga nangangailangan nito.
96
00:06:23,760 --> 00:06:25,440
Haharap tayo sa pagtutol ng Simbahan.
97
00:06:25,520 --> 00:06:28,880
Oo, pero sino'ng namamahala ngayon?
98
00:06:29,800 --> 00:06:30,720
Ikaw.
99
00:06:34,040 --> 00:06:38,640
Kailangan natin pag-isipan nang mabuti.
Bumuo ng tamang diskarte.
100
00:06:39,160 --> 00:06:40,320
-Anne?
-Sabihan…
101
00:06:41,600 --> 00:06:42,600
Hala, Anne.
102
00:06:44,000 --> 00:06:44,840
Anne.
103
00:06:45,400 --> 00:06:46,400
Ang sanggol!
104
00:06:57,360 --> 00:06:58,520
Imposibleng…
105
00:07:01,760 --> 00:07:04,720
ipaliwanag ang pakiramdam
kapag mawalan ng sanggol.
106
00:07:06,960 --> 00:07:09,320
Ang pagpalaki ng munting tao sa loob mo.
107
00:07:10,800 --> 00:07:11,960
Ito'y bahagi mo.
108
00:07:17,720 --> 00:07:19,840
Ang kapag namatay 'yang munting tao…
109
00:07:24,280 --> 00:07:25,800
may parte rin sa'yo na namamatay.
110
00:07:33,280 --> 00:07:35,280
Sigurado si Henry na lalaki 'yon.
111
00:07:39,800 --> 00:07:41,960
Nahirapan siyang tumingin sa'kin.
112
00:07:43,040 --> 00:07:44,280
Nakakadurog ng puso.
113
00:07:47,560 --> 00:07:50,280
At 'di nakatulong
na nagsimula ang mga tsismis.
114
00:07:51,120 --> 00:07:54,080
Dahil kung may isang bagay
na mahal ng korte,
115
00:07:55,680 --> 00:07:58,480
ito'y magtsismis sa kamalasan ng iba.
116
00:08:01,000 --> 00:08:03,960
Hindi ako nalaglagan
dahil deformed ang sanggol.
117
00:08:04,640 --> 00:08:06,480
Saan 'to nakukuha ng mga tao?
118
00:08:06,560 --> 00:08:10,080
Matatawa ka rito.
Dahil mangkukulam ka raw.
119
00:08:10,160 --> 00:08:11,360
Bago 'yan.
120
00:08:13,520 --> 00:08:14,520
Kumusta si Henry?
121
00:08:15,240 --> 00:08:18,840
Medyo malayo. Nahihirapan yata siya.
122
00:08:19,600 --> 00:08:22,000
Mahirap nga. Para sa inyong dalawa.
123
00:08:23,400 --> 00:08:24,880
Gusto ko lang magtago.
124
00:08:25,880 --> 00:08:27,480
'Di 'yon magagawa ng Reyna.
125
00:08:27,560 --> 00:08:31,960
Kailangan mong ngumiti at bumalik.
126
00:08:32,040 --> 00:08:33,880
Kung 'di siya ngumiti,
127
00:08:33,960 --> 00:08:36,880
magtsitsismis ang mga tao
128
00:08:36,960 --> 00:08:39,920
tungkol sa kung si Henry
ay nagsasawa na sa kanya
129
00:08:40,000 --> 00:08:42,640
at mapupunta sa iba.
130
00:08:42,720 --> 00:08:47,960
Nakaka-stress talaga sa isang babae
na nasa ilalim na ng matinding stress
131
00:08:48,040 --> 00:08:50,240
para patuloy gumampan.
132
00:09:25,960 --> 00:09:26,960
Anne.
133
00:09:27,600 --> 00:09:30,480
Magandang makita
na makasalamuha ka na ulit.
134
00:09:33,080 --> 00:09:35,840
Ang Duke ng Norfolk.
Aking tiyuhin, sa kasamaang palad
135
00:09:36,440 --> 00:09:39,360
Ikinulong ang asawa niya sa aparador
at ibinenta lahat ng alahas.
136
00:10:02,760 --> 00:10:03,680
Mary.
137
00:10:04,560 --> 00:10:05,400
Anne.
138
00:10:13,800 --> 00:10:14,640
Anne.
139
00:10:17,560 --> 00:10:18,400
Anne.
140
00:10:20,800 --> 00:10:22,160
Maghintay ka nga?
141
00:10:22,240 --> 00:10:25,520
Paano ka magpapakita nang ganito?
142
00:10:25,600 --> 00:10:27,360
Patawarin mo ako.
143
00:10:27,440 --> 00:10:28,800
Ako ang Reyna ng England,
144
00:10:28,880 --> 00:10:33,200
at nagpakasal ka
sa isang sundalo at nabuntis.
145
00:10:33,280 --> 00:10:35,880
Pasensiya't nawala ang sanggol mo, Anne.
146
00:10:36,440 --> 00:10:39,880
Alam mo ba kung ano'ng sasabihin
ng mga tao sa'kin ngayon?
147
00:10:39,960 --> 00:10:43,160
-Matuwa ka na lang para sa'kin?
-'Di mo matiis na kasama ko si Henry.
148
00:10:43,240 --> 00:10:46,760
Wala akong pake, Anne.
'Di ko siya minahal.
149
00:10:47,360 --> 00:10:52,440
'Di niya talaga ako ginusto.
'Di rin magtagal bago ka niya ayawan.
150
00:10:55,480 --> 00:10:56,480
Umalis ka.
151
00:10:57,920 --> 00:10:59,840
Umalis ka at 'wag nang bumalik.
152
00:11:21,800 --> 00:11:23,200
Sabihin mong gusto mo'ko.
153
00:11:33,960 --> 00:11:34,800
Bakit?
154
00:11:42,120 --> 00:11:43,080
Henry.
155
00:11:43,160 --> 00:11:46,440
Maninilip na Purkoy.
Palagi niya akong binabantayan.
156
00:11:47,880 --> 00:11:50,120
Binabantayan niya ang kilos ko,
buwisit na aso.
157
00:11:51,120 --> 00:11:53,280
-Ano'ng sinasabi mo?
-Gusto ko ng lalaking anak!
158
00:11:54,480 --> 00:11:55,520
Lalaking anak!
159
00:11:57,000 --> 00:11:58,120
Hindi aso.
160
00:12:06,080 --> 00:12:07,280
Gusto ko ng lalaking anak.
161
00:12:10,440 --> 00:12:11,400
Henry.
162
00:12:15,960 --> 00:12:20,000
Sa kalagitnaan ng relasyon
ni Anne at Henry ay itong pangako.
163
00:12:20,080 --> 00:12:22,000
Itong pangako na bibigyan siya ni Anne
164
00:12:22,080 --> 00:12:24,200
ng anak at tagapagmanang gusto niya.
165
00:12:24,280 --> 00:12:25,680
Nabigo siya.
166
00:12:25,760 --> 00:12:29,000
Ang bigat nitong pangako
ay napakahirap sa kanya,
167
00:12:29,080 --> 00:12:31,360
'di lang kay Henry pero sa buong kaharian.
168
00:12:31,440 --> 00:12:34,560
Naghihintay ang korte
para magkamali si Anne,
169
00:12:34,640 --> 00:12:36,960
at binibigyan lang niya ngayon ng bala.
170
00:12:46,800 --> 00:12:49,120
Natutuwa rin ba ang asawa mo
sa mga biro mo, Weston?
171
00:12:49,920 --> 00:12:52,840
May isang babae lang talaga
ang gusto kong pangitiin.
172
00:12:53,520 --> 00:12:54,360
Weston.
173
00:12:55,960 --> 00:12:59,400
Si Francis Weston
ay isa sa mga kasamahan ni Henry,
174
00:12:59,480 --> 00:13:02,200
at knighted siya sa koronasyon ni Anne.
175
00:13:02,280 --> 00:13:05,360
Si Weston ay isang taong kilala ni Anne.
176
00:13:14,280 --> 00:13:16,040
Malinaw sa lahat sa korte
177
00:13:16,120 --> 00:13:19,880
na may poot sa pagitan nitong maghipag.
178
00:13:20,480 --> 00:13:24,160
Ayaw ni Jane si Anne.
Ayaw niya ang lumalaking ego ni Anne.
179
00:13:24,240 --> 00:13:25,720
Ayaw niya ang lakas ni Anne.
180
00:13:28,880 --> 00:13:29,720
Anne.
181
00:13:30,760 --> 00:13:32,360
Natagpuang patay si Purkoy.
182
00:13:33,080 --> 00:13:33,960
Ano?
183
00:13:34,480 --> 00:13:37,440
Nahulog siya mula sa bintana.
Pasensiya na.
184
00:13:42,720 --> 00:13:44,960
Labas. Labas kayong lahat!
185
00:13:51,320 --> 00:13:54,200
Nahulog siya mula sa bintana?
186
00:13:56,400 --> 00:13:58,880
Henry, hindi 'to maaaring aksidenete.
187
00:13:58,960 --> 00:14:01,480
May taong sadyang gumawa nito.
188
00:14:01,560 --> 00:14:04,560
Si Henry ang nagsabi
sa kanya na namatay ang aso.
189
00:14:04,640 --> 00:14:07,800
Mayroong munting hayop
na malapit sa kanya,
190
00:14:07,880 --> 00:14:10,680
na nagpapasaya sa kanya,
at biglaang kinuha ito.
191
00:14:10,760 --> 00:14:12,400
Aksidente ba talaga?
192
00:14:13,200 --> 00:14:14,400
Paano nangyari?
193
00:14:18,000 --> 00:14:18,880
Pasensiya na.
194
00:14:35,880 --> 00:14:39,320
Nararamdaman na yata
ni Anne na mahina siya
195
00:14:40,320 --> 00:14:42,160
at mag-isa sa ngayon.
196
00:14:42,240 --> 00:14:45,600
Parang lahat ng pinaghirapan niya
197
00:14:45,680 --> 00:14:48,600
ay nagsisimula nang mawala sa kanya.
198
00:14:48,680 --> 00:14:50,640
May mga tao sa korte
199
00:14:50,720 --> 00:14:53,800
na naghahanap ng panahon
kung saan mahina si Anne.
200
00:14:53,880 --> 00:14:57,480
Kung 'di makadala si Anne ng lalaking
anak na makakasiguro ng posisyon niya,
201
00:14:57,560 --> 00:14:59,840
alam nila na maaari silang makialam
202
00:15:00,680 --> 00:15:04,320
at itakwil si Henry sa kanya.
203
00:15:24,480 --> 00:15:27,320
Ang aking sweet
na katulong si Jane Seymour.
204
00:15:28,160 --> 00:15:30,840
Très magalang. Très birhen.
205
00:15:40,920 --> 00:15:42,560
Nasa peligro ang England.
206
00:15:43,720 --> 00:15:47,560
May mga kasama tayong traidor,
at dumadami sila bawa't araw.
207
00:15:47,640 --> 00:15:51,920
Ang mga reporma sa relihiyon ni Henry
ay nahati ang bansa sa dalawa,
208
00:15:52,000 --> 00:15:55,240
at may malaking pagkontra sa katotohanan
209
00:15:55,320 --> 00:15:59,560
na ang Hari na ngayon, 'di ang pope,
ang pinuno ng Simbahan.
210
00:16:00,360 --> 00:16:03,160
Nakakahawa sila. Salot sa'ting bayan.
211
00:16:03,680 --> 00:16:05,160
At katulad ng salot,
212
00:16:06,240 --> 00:16:07,960
ang kamatayan ay 'di maiiwasan.
213
00:16:08,040 --> 00:16:10,040
Nakakaaliw ka.
214
00:16:13,400 --> 00:16:14,360
Salamat.
215
00:16:15,200 --> 00:16:16,040
Magpatuloy.
216
00:16:17,200 --> 00:16:22,320
Ang Treason Act ng 1534 ay tanda
ng pagbabago sa paghahari ni Henry.
217
00:16:22,400 --> 00:16:25,080
Binubugbog niya ang mga tao,
218
00:16:25,160 --> 00:16:29,360
ginawa niyang parusa ang kamatayan
kung magsalita sila laban sa kanya.
219
00:16:36,520 --> 00:16:37,640
Ano'ng problema mo?
220
00:16:38,800 --> 00:16:42,920
Ito'y pagidiriwang at pinag-uusapan mo
ay kamatayan at salot. Ano'ng problema mo?
221
00:16:43,000 --> 00:16:44,600
Tama ka. Pagdiriwang ito.
222
00:16:44,680 --> 00:16:46,880
Kaya dapat isa sa'tin
ay nakikitungo sa bisita.
223
00:16:46,960 --> 00:16:49,120
Nagawa mo na 'yan nang mabuti.
224
00:16:49,200 --> 00:16:51,640
Magaling ba makinig ang katulong ko?
225
00:16:52,480 --> 00:16:53,600
Henry, teka.
226
00:16:55,480 --> 00:16:56,800
Alis na tayo rito.
227
00:16:57,400 --> 00:16:59,760
Punta tayo kung saan tayong dalawa lang.
228
00:17:02,960 --> 00:17:04,440
Nakakatawa ka, Anne.
229
00:17:15,440 --> 00:17:19,360
Nararamdaman mo na si Thomas Cromwell
ay nagsisimula nang maunawaan
230
00:17:19,440 --> 00:17:22,680
na si Anne ay nagiging mabigat na puhunan.
231
00:17:22,760 --> 00:17:25,440
At sa ngayon,
kakaunti lang ang naibalik niya.
232
00:17:29,080 --> 00:17:31,760
May rason kung bakit natorete
si Henry sa'kin.
233
00:17:32,480 --> 00:17:35,640
Isang rason kung bakit binago niya lahat,
234
00:17:35,720 --> 00:17:38,720
itinaya ang lahat, para sa'kin.
235
00:17:38,800 --> 00:17:42,280
Ang araw na 'yon, naalala ko ang gutom.
236
00:17:42,880 --> 00:17:46,560
Ako pa rin ang babae
na lumabas para mangaso
237
00:17:46,640 --> 00:17:48,200
at nagbalik ng isang hari.
238
00:17:50,960 --> 00:17:53,120
Isang pag-aalsa
ng mga maharlika sa Ireland,
239
00:17:53,880 --> 00:17:58,240
isang tunay na banta
ng pagsalakay mula sa Spain at France,
240
00:17:58,960 --> 00:18:02,000
at 'di ka na itinuturing kakampi
ng Katolikong Europe.
241
00:18:02,080 --> 00:18:05,280
Tama. Maliban pa sa mga pagrerebelde,
242
00:18:05,360 --> 00:18:08,640
kabiguan ng pananim, taggutom,
at pagsiklab ng salot,
243
00:18:08,720 --> 00:18:10,440
hinaharap natin ang digmaan sa Europe.
244
00:18:12,200 --> 00:18:13,480
Ano'ng nasa menu?
245
00:18:17,800 --> 00:18:18,840
Walang iba kundi gulo.
246
00:18:20,720 --> 00:18:22,200
Tapusin natin 'to mamaya.
247
00:18:23,840 --> 00:18:26,480
Si Crowmwell ay gusto maging
kanang kamay ni Henry.
248
00:18:26,560 --> 00:18:28,280
Gusto niya maging punong tagapayo.
249
00:18:28,360 --> 00:18:32,440
Gusto ni Anne maging kanang kamay.
Gusto niya maging punong tagapayo.
250
00:18:32,520 --> 00:18:34,680
'Di maaaring may dalawa sa isang korte.
251
00:18:34,760 --> 00:18:36,800
Kulang ang laki para sa kanilang dalawa.
252
00:18:37,720 --> 00:18:38,760
Mangaso tayo.
253
00:18:39,920 --> 00:18:41,200
Tulad ng dati.
254
00:18:41,280 --> 00:18:43,960
Marami akong inaasikaso ngayon, Anne.
255
00:18:45,000 --> 00:18:50,960
At pinag-iisipan ko kung ano pa
ang ginagawa natin noon.
256
00:18:58,520 --> 00:18:59,360
Anne.
257
00:19:04,240 --> 00:19:07,040
Ngayon, ang pera ng monasteryo
258
00:19:07,760 --> 00:19:11,760
ay malulutas ang ating peligro
sa pananim at taggutom.
259
00:19:14,160 --> 00:19:15,160
At sa Europe naman…
260
00:19:18,360 --> 00:19:20,880
puwede tayong magsagawa ng peace treaty.
261
00:19:21,800 --> 00:19:22,640
Tiyak 'yon.
262
00:19:40,280 --> 00:19:44,400
Ang 1536 ay peligrong taon kay Henry.
263
00:19:44,480 --> 00:19:46,400
May pag-aalsa laban sa kanya.
264
00:19:46,480 --> 00:19:49,880
May pagkabigo sa ani. Hirap sa ekonomiya.
265
00:19:49,960 --> 00:19:53,840
'Di pa siya nakararanas
ng mas magulong panahon sa paghahari niya.
266
00:19:55,440 --> 00:19:59,960
At ngayon ang unang asawa ni Henry,
si Katherine ng Aragon, ay namatay.
267
00:20:00,040 --> 00:20:04,000
Ang kanyang alaala ay iginagalang
sa buong korte at sa kaharian.
268
00:20:06,640 --> 00:20:11,480
Ang pagdating ni Anne na nakadilaw
sa kaganapan ay lubos na pag-uusapan.
269
00:20:11,560 --> 00:20:13,440
Ito ay tipikal na Anne,
270
00:20:13,520 --> 00:20:14,760
napakatapang
271
00:20:14,840 --> 00:20:18,440
at wala talagang pakialam
sa iniisip ng iba.
272
00:20:18,520 --> 00:20:21,000
Pasensiya na sa pagkawala mo.
273
00:20:21,600 --> 00:20:22,960
May mga nagtatalo
274
00:20:23,040 --> 00:20:26,800
na ang dilaw ay nagpapahiwatig
ng pagluluksa sa Spain,
275
00:20:26,880 --> 00:20:30,800
na ito'y tanda ng paggalang kay Katherine.
276
00:20:31,680 --> 00:20:34,400
Ito ay mas isang sandali ng pagdiriwang.
277
00:20:34,480 --> 00:20:38,280
Nagtitipon tayo para sa pagpanaw
ng Dowager Prinsesa ng Wales,
278
00:20:38,360 --> 00:20:39,560
si Katherine ng Aragon.
279
00:20:40,280 --> 00:20:43,440
Naghahanda na para sa kanyang libing
sa Peterborough Cathedral,
280
00:20:44,080 --> 00:20:46,760
ngunit manalangin na tayo para sa kanya.
281
00:20:52,720 --> 00:20:54,080
May upuan ba?
282
00:20:55,080 --> 00:20:56,400
Buntis ako.
283
00:21:02,920 --> 00:21:06,440
Patay na ang karibal niya,
at buntis si Anne.
284
00:21:06,520 --> 00:21:08,360
Ito ang perpektong senaryo
285
00:21:08,440 --> 00:21:10,800
dahil ibig sabihin na ang batang isisilang
286
00:21:10,880 --> 00:21:14,800
ay magiging tiyak
na lehitimong tagapagmana
287
00:21:14,880 --> 00:21:18,200
dahil wala na si Katherine para makialam.
288
00:21:18,280 --> 00:21:20,040
Mapapatawad natin si Anne
289
00:21:20,120 --> 00:21:25,480
para sa pagiging matagumpay
at nagagalak sa sandaling ito.
290
00:21:40,880 --> 00:21:42,560
Tulong! Tulungan niyo ako!
291
00:21:53,040 --> 00:21:57,840
Baka 'di mo hinipan nang maayos.
May mga katangahan din ako.
292
00:21:57,920 --> 00:22:00,360
Marunong akong magpatay ng kandila.
293
00:22:01,040 --> 00:22:04,040
Sinadya 'yon. May gustong mamatay ako.
294
00:22:04,880 --> 00:22:06,080
Bakit naman?
295
00:22:06,760 --> 00:22:08,000
Una, ang hate mail.
296
00:22:08,080 --> 00:22:10,680
Tapos may nagtapon
ng aso ko mula sa bintana.
297
00:22:10,760 --> 00:22:11,680
At ngayon ito.
298
00:22:12,400 --> 00:22:16,600
Sabi nila "these things come in threes,"
kaya 'yan. Nakuha mo na ang iyo.
299
00:22:19,880 --> 00:22:21,280
Mayroong aksidente.
300
00:22:23,480 --> 00:22:26,560
Ito'y ika-24 ng Enero 1536,
301
00:22:26,640 --> 00:22:30,280
at nahulog si Henry mula
sa kabayo habang nagja-joust.
302
00:22:32,760 --> 00:22:33,600
Henry!
303
00:22:36,920 --> 00:22:38,720
Henry, 'wag kang mamatay.
304
00:22:38,800 --> 00:22:42,080
Alam ko na mangyayari 'to.
Sinabi kong mag-ingat siya.
305
00:22:42,160 --> 00:22:44,320
Nakamamatay ang pinsala sa ulo.
306
00:22:44,400 --> 00:22:46,320
Sabihin mong magiging okay siya, Uncle.
307
00:22:48,000 --> 00:22:49,560
Takot si Anne.
308
00:22:49,640 --> 00:22:52,960
Ang posisyon niya
ay nakasalalay kay Henry.
309
00:22:53,040 --> 00:22:57,200
Kung mamatay si Henry,
mawawala ang lahat sa kanya.
310
00:22:58,000 --> 00:23:00,960
Hindi mahalaga kung siya
ang Reyna ng England.
311
00:23:01,520 --> 00:23:04,440
Sa huli, sinabi na himala raw
na nabuhay siya,
312
00:23:04,520 --> 00:23:08,480
at siya ay walang malay,
bilang resulta, sa loob ng dalawang oras.
313
00:23:08,560 --> 00:23:14,200
Posible raw, sa totoo lang, nang mahulog
siya sa kabayo niya noong araw na 'yon,
314
00:23:14,280 --> 00:23:16,360
nabugbog ang cerebral cortex niya.
315
00:23:16,440 --> 00:23:18,480
Nasira ang kanyang utak.
316
00:23:19,640 --> 00:23:21,240
Henry, kumusta ka?
317
00:23:33,840 --> 00:23:36,760
Isang linggo lang nakalipas,
malapit kang mamatay.
318
00:23:37,840 --> 00:23:41,160
Dala ko ang anak mo, at ikaw…
319
00:23:41,240 --> 00:23:44,720
Dapat kang tumutok sa sanggol natin,
sa ating lalaking anak.
320
00:23:45,280 --> 00:23:48,600
-'Di nag-aalala sa ginagawa ko.
-Niloloko mo ba ako?
321
00:23:48,680 --> 00:23:50,680
Saan ka pupunta?
322
00:23:51,880 --> 00:23:55,920
Nakalimutan mo ba
na katulong kita at hindi sa kanya…
323
00:24:02,760 --> 00:24:05,080
Buwisit na manloloko!
324
00:24:24,560 --> 00:24:28,160
Ito pala ay miscarriage.
325
00:24:28,240 --> 00:24:30,360
Nawala ang anak niya.
326
00:24:31,440 --> 00:24:36,280
At maaari nilang tingnan
ang fetus at makita
327
00:24:36,360 --> 00:24:38,160
na magiging lalaki sana.
328
00:24:43,120 --> 00:24:45,800
Nasira ang puso ko.
329
00:24:48,120 --> 00:24:53,680
At hindi lang ako nagluluksa sa anak ko.
330
00:24:53,760 --> 00:24:56,960
Pinagluluksa ko ang lahat.
331
00:24:57,480 --> 00:24:59,920
Lahat ng akala ko ay magiging kami.
332
00:25:02,200 --> 00:25:05,800
Alam kong 'di talaga maayos ang mga bagay.
333
00:25:07,520 --> 00:25:09,720
Ngunit 'di ko siya inasahang bumigay.
334
00:25:10,400 --> 00:25:13,800
Habang nakahiga roon si Anne,
335
00:25:13,880 --> 00:25:16,480
nanunumbalik mula sa trauma,
336
00:25:16,560 --> 00:25:19,840
binisita siya ni Henry, saglit,
337
00:25:20,920 --> 00:25:24,280
at sabi, "Ang Diyos
ay 'di ako bibigyan ng lalaking anak."
338
00:25:24,360 --> 00:25:29,880
Iyon ay tunay na sandaling pagkakahiwalay
sa kanilang dalawa
339
00:25:29,960 --> 00:25:33,520
habang itinangay sila ng kalungkutan nila.
340
00:25:34,200 --> 00:25:38,160
"Ilang babae ang nariyan,
dahil sa kalupitan ng kanilang asawa,
341
00:25:38,240 --> 00:25:41,000
ay nabubuhay sa buklod ng kasal
342
00:25:41,080 --> 00:25:45,520
sa mas malaking pagdurusa kaysa
kung sila'y alipin ng mga Saracen?"
343
00:25:46,400 --> 00:25:49,040
Bakit ang galas ng kababaihan
ay nakatali sa mga lalaki?
344
00:25:49,120 --> 00:25:51,800
-Naiinis ako na 'di kami nakakapili.
-Talaga.
345
00:25:58,640 --> 00:25:59,840
Diyos ko. Ano 'yon?
346
00:26:01,160 --> 00:26:02,480
Nagawa niya ulit.
347
00:26:03,280 --> 00:26:04,400
Mas maraming utang.
348
00:26:05,000 --> 00:26:06,640
Ayan. Pruweba at punto.
349
00:26:06,720 --> 00:26:08,440
Seryoso ako ngayon, Anne.
350
00:26:09,880 --> 00:26:11,360
Lagot yata tayo.
351
00:26:14,840 --> 00:26:16,120
Buntis ako.
352
00:26:17,360 --> 00:26:18,240
Na naman.
353
00:26:22,800 --> 00:26:24,040
Siyempre naman.
354
00:26:25,920 --> 00:26:29,360
Kawawang Lady W kasama ang kanyang buwisit
na asawa at ang pitong anak.
355
00:26:36,800 --> 00:26:39,040
Sa palagay ko ay gusto mo pa ng pera.
356
00:26:39,120 --> 00:26:41,480
Hindi. 'Di ko kaya.
357
00:26:41,560 --> 00:26:43,280
Hindi, 'wag natin gawin 'yan.
358
00:26:47,240 --> 00:26:48,240
Dali.
359
00:26:48,960 --> 00:26:49,800
Kunin mo.
360
00:27:01,320 --> 00:27:02,440
Kailangan ko nga 'to.
361
00:27:05,720 --> 00:27:08,600
Pero mas kailangan kita.
362
00:27:11,400 --> 00:27:15,360
Nasa pagkatao ni Anne
na kapag nakaramdam siya ng pressure,
363
00:27:15,440 --> 00:27:16,880
siya'y nagwawala.
364
00:27:16,960 --> 00:27:20,360
Akala mo na papalapitin niya
ang mga kaibigan niya.
365
00:27:20,440 --> 00:27:22,760
Ngunit sa halip, itinataboy niya.
366
00:27:24,640 --> 00:27:29,000
Naiisip na ngayon ni Anne
na ang korte ay parang pressure cooker.
367
00:27:29,080 --> 00:27:31,240
Ito ay malalim na nahahati.
368
00:27:31,320 --> 00:27:33,440
May mga taong sumusuporta kay Anne.
369
00:27:33,520 --> 00:27:37,080
Ang iba ay nakikitungo
sa kanyang karibal, si Jane Seymour.
370
00:27:40,080 --> 00:27:44,000
Mukhang nasasabik siya
ni Plain Jane Seymour.
371
00:27:44,520 --> 00:27:46,400
Sayang at ayaw niyang makipagtalik.
372
00:27:47,240 --> 00:27:49,400
Iyong bruha ay gusto kunin ang korona ko.
373
00:27:51,000 --> 00:27:52,280
Sobra ka naman.
374
00:27:53,360 --> 00:27:55,200
Nawala ko ang sanggol dahil sa kanya.
375
00:27:55,720 --> 00:27:56,680
Anne.
376
00:27:57,680 --> 00:28:01,360
Ang Hari ay inaabala,
pero 'di mo kaya maging.
377
00:28:02,480 --> 00:28:03,960
Ano'ng ibig mong sabihin?
378
00:28:05,240 --> 00:28:06,080
Si Cromwell.
379
00:28:07,560 --> 00:28:10,520
Mabilis na dumarating
ang pera mula sa mga monasteryo.
380
00:28:11,040 --> 00:28:12,840
-Mabuti. Iyon ang plano.
-Oo.
381
00:28:12,920 --> 00:28:15,920
Pero mukhang ginagamit niya
para palakihin ang kanyang bulsa.
382
00:28:18,600 --> 00:28:20,160
Manlolokong ahas.
383
00:28:20,240 --> 00:28:21,200
Anne.
384
00:28:22,400 --> 00:28:26,160
Kapag si Henry
ay naging pinuno ng bagong Simbahan,
385
00:28:26,240 --> 00:28:29,320
makukuha niya lahat
ng kayamanan ng Simbahan,
386
00:28:29,400 --> 00:28:32,480
at wala nang mas yayaman pa
kaysa sa mga monasteryo,
387
00:28:32,560 --> 00:28:35,680
ang mga dakilang simbolo
ng lumang pananampalatayang Katoliko.
388
00:28:35,760 --> 00:28:38,960
Ang arkitekto nitong malawakang
pagbabago sa relihiyon
389
00:28:39,040 --> 00:28:42,080
ay si Thomas Cromwell,
ang kanang kamay ni Henry.
390
00:28:43,640 --> 00:28:45,520
Ano'ng ginagawa mo?
391
00:28:46,600 --> 00:28:48,280
Sumusunod sa utos ng Hari.
392
00:28:48,360 --> 00:28:53,480
Ang pondong 'yon ay para sa ikabubuti,
'di para sa kasiyahan mo.
393
00:28:53,560 --> 00:28:55,960
Akala ko magkaibigan tayo.
394
00:28:56,040 --> 00:28:57,400
Walang kaibigan ang mga Reyna.
395
00:28:57,480 --> 00:29:00,760
Mayroon silang kakampi o kalaban,
at palagi ako naging kakampi mo.
396
00:29:00,840 --> 00:29:02,760
Ayoko 'yon magbago.
397
00:29:03,840 --> 00:29:07,680
Isang salita mula sa'kin
at kukunin ni Henry ang ulo mo.
398
00:29:08,520 --> 00:29:09,800
Alam na ng Hari.
399
00:29:11,520 --> 00:29:13,440
Hindi ba niya sinabi sa'yo?
400
00:29:23,120 --> 00:29:25,000
'Di ka makakatakas para dito.
401
00:29:27,000 --> 00:29:27,960
'Di kita papayagan.
402
00:29:31,400 --> 00:29:32,320
Si Cromwell.
403
00:29:33,440 --> 00:29:36,080
Isang manlolokong buwisit.
404
00:29:36,920 --> 00:29:39,880
Nagkamali ako ng paghusga ng pagkatao.
Dapat nakita ko 'yon.
405
00:29:43,280 --> 00:29:45,400
Palagi siyang nandoon,
406
00:29:45,480 --> 00:29:48,480
sa tabi ni Henry, sa pagitan namin,
407
00:29:49,000 --> 00:29:51,520
minamanipula ang aking asawa laban sa'kin.
408
00:29:52,120 --> 00:29:53,920
Kinailangan kong ayusin si Henry.
409
00:29:56,600 --> 00:29:59,800
Elizabeth, mahal. Batiin mo si Itay.
410
00:30:00,480 --> 00:30:04,200
Mahal. 'Di ko alam na darating ka. Halika.
411
00:30:05,520 --> 00:30:06,760
Bigyan mo'ko ng halik.
412
00:30:10,680 --> 00:30:15,280
'Di mo puwedeng hayaan si Crowell.
Libu-libo ang kinukuha niya.
413
00:30:15,360 --> 00:30:17,400
Wala kang karapatan makialam
sa tungkulin ko.
414
00:30:17,880 --> 00:30:19,840
Hindi ko dapat pinayagan. Halika.
415
00:30:19,920 --> 00:30:21,080
"Pinayagan"?
416
00:30:21,160 --> 00:30:22,960
Mawawala ka kung wala ako.
417
00:30:23,040 --> 00:30:24,560
Nagdulot ka ng kaguluhan.
418
00:30:25,200 --> 00:30:26,200
Nahati ang bansa.
419
00:30:26,280 --> 00:30:29,040
Nasa pinakamahina ako dahil sa'yo.
420
00:30:29,840 --> 00:30:31,160
Kailangan magbago ng England.
421
00:30:31,240 --> 00:30:33,400
Ano'ng alam mo
sa pangangailangan ng England?
422
00:30:33,480 --> 00:30:35,800
Ang ulo mo ay puno
ng ereheng katarantaduhan.
423
00:30:37,000 --> 00:30:39,840
Ikaw ang England. Tayo ang England.
424
00:30:39,920 --> 00:30:42,320
'Di mo kailangan ng lalaking anak, Henry.
425
00:30:42,400 --> 00:30:44,800
Mayroon kang anak, si Elizabeth.
426
00:30:44,880 --> 00:30:46,040
Mayroon kang tagapagmana.
427
00:30:46,760 --> 00:30:48,560
Siya ang pinakamaganda nating dalawa.
428
00:30:49,760 --> 00:30:50,960
Huwag kang magbiro.
429
00:30:51,800 --> 00:30:53,520
Lalaki lang ang mamumuno sa England.
430
00:30:54,640 --> 00:30:56,200
At kailangan ko ng lalaking anak.
431
00:30:57,960 --> 00:30:59,200
Kunin mo ang bata.
432
00:31:02,360 --> 00:31:03,320
Magpakabait ka.
433
00:31:05,080 --> 00:31:06,160
Mahal ka ni Inay.
434
00:31:13,800 --> 00:31:15,440
Baka kung ikaw ay nasa kama ko,
435
00:31:15,520 --> 00:31:18,320
imbes matorete kay Plain Jane,
makakakuha ka ng lalaking anak.
436
00:31:18,400 --> 00:31:20,680
Mas madaling kasama si Jane kaysa sa'yo.
437
00:31:21,160 --> 00:31:22,680
Ikaw ay napaka…
438
00:31:24,000 --> 00:31:25,480
Hindi na kita nakikilala.
439
00:31:26,080 --> 00:31:28,440
-Alam ni Jane kung sino siya.
-At hindi ako?
440
00:31:28,520 --> 00:31:30,960
Pinaparusahan ako ng Diyos. Para sa'yo!
441
00:31:31,040 --> 00:31:33,080
Para sa'tin. Para sa nagawa natin.
442
00:31:33,680 --> 00:31:36,520
Inilapit natin ang mga tao
sa Diyos kaysa dati pa!
443
00:31:36,600 --> 00:31:37,760
Tama na!
444
00:31:40,560 --> 00:31:43,960
Wala kang karapatan ipangako sa'kin
ang 'di mo maibibigay.
445
00:31:45,600 --> 00:31:49,120
Si Anne ang kinahuhumalingan
ni Henry sa loob ng maraming taon,
446
00:31:49,200 --> 00:31:53,160
pero 'di niya nabigyan ng lalaking anak
na labis niyang hinahangad,
447
00:31:53,240 --> 00:31:57,400
at ngayon ay naniniwala siya
na isinumpa ang kasal.
448
00:31:58,920 --> 00:32:02,400
Alam ni Henry na nawawala niya
ang pagmamahal ng bayan.
449
00:32:02,480 --> 00:32:05,120
Nagrerebelde siya laban
sa kanyang reporma sa relihiyon.
450
00:32:05,200 --> 00:32:09,320
At sa mga mata niya,
isang tao lang ang responsable.
451
00:32:09,400 --> 00:32:11,240
Ang asawa niya, si Anne.
452
00:32:13,160 --> 00:32:17,520
At sa panahon na ito
na nagka-kakaibang usapan si Anne
453
00:32:17,600 --> 00:32:21,280
kasama ang matalik na kabigan ng Hari,
si Sir Henry Norris.
454
00:32:21,840 --> 00:32:24,560
Pupunta ka ba sa Sabado?
Jousting at saka wine.
455
00:32:25,040 --> 00:32:26,720
Hindi. Ayoko ng jousting.
456
00:32:26,800 --> 00:32:28,240
Pero mahilig ka sa wine.
457
00:32:28,760 --> 00:32:30,120
Hindi gaano, Norris.
458
00:32:30,800 --> 00:32:32,880
Dali na, pupunta lahat doon.
459
00:32:36,320 --> 00:32:38,360
Aalagaan kita. Pangako ko.
460
00:32:39,160 --> 00:32:41,600
Sigurado akong maraming babaeng
gusto ang pansin mo.
461
00:32:41,680 --> 00:32:44,160
Ngunit nasa sa'yo ang puso ko, Reyna.
462
00:32:44,800 --> 00:32:46,800
Aba, Norris, may asawa ako.
463
00:32:46,880 --> 00:32:49,480
Maliban kung, siyempre,
may mangyari sa Hari.
464
00:32:53,680 --> 00:32:55,760
Buhay ang halaga ng usapang 'yan.
465
00:32:55,840 --> 00:32:59,520
Ang nasabi ni Anne
ay talagang delikado sa buhay,
466
00:32:59,600 --> 00:33:01,880
dahil nakasulat na ngayon sa batas
467
00:33:01,960 --> 00:33:05,760
na kahit ang pagsalita tungkol
sa kamatayan ng Hari ay kataksilan.
468
00:33:06,960 --> 00:33:07,800
Your Grace.
469
00:33:10,880 --> 00:33:12,440
Si Anne ay ganap na nasa dilim.
470
00:33:12,520 --> 00:33:17,280
Alam niya na palpak siya sa pagbigay
ng lalaking anak at tagapagmana,
471
00:33:17,360 --> 00:33:19,000
pero 'di niya alam ang kalahti nito.
472
00:33:19,080 --> 00:33:21,120
Dahil 'di niya alam kung sino'ng kalaban.
473
00:33:21,200 --> 00:33:24,600
Akala niya mayroon siyang
kakampi, pero wala.
474
00:33:24,680 --> 00:33:28,680
Nakaupo siya sa may chess board
at 'di niya alam kung sino'ng nasa kabila.
475
00:33:39,680 --> 00:33:43,200
-Ano'ng ginagawa mo rito?
-Gusto ko lang lumayo sa lahat.
476
00:33:44,240 --> 00:33:47,040
Naisip kong puntahan ka bago
ang susunod mong event.
477
00:33:48,240 --> 00:33:49,960
Masaya ako't pumunta ka.
478
00:33:51,160 --> 00:33:53,880
Gusto ko sanang makita
si Henry sa main event, pero…
479
00:33:59,640 --> 00:34:01,200
nawawala pa rin siya.
480
00:34:02,200 --> 00:34:03,560
Maaayos mo 'yan.
481
00:34:04,440 --> 00:34:07,120
Ginawa niya lahat
para gawin kanyang reyna.
482
00:34:08,840 --> 00:34:09,920
Oo. Tama ka.
483
00:34:16,840 --> 00:34:17,680
Anne.
484
00:34:19,640 --> 00:34:21,520
Kailangan niyong magbati ni Cromwell.
485
00:34:23,360 --> 00:34:24,800
Nakikinig si Henry sa kanya.
486
00:34:28,880 --> 00:34:29,840
Tandaan.
487
00:34:31,880 --> 00:34:33,080
Ikaw si Anne Boleyn.
488
00:34:35,000 --> 00:34:37,520
Nakamit mo ang mga bagay
na pangarap lang ng ibang tao.
489
00:34:45,800 --> 00:34:47,760
Kakawayan kita mula sa podium ng kampeon.
490
00:34:50,680 --> 00:34:52,040
Panalo ang Boleyns.
491
00:35:21,800 --> 00:35:24,800
Masama ang lahat, at alam ito ni Anne.
492
00:35:24,880 --> 00:35:29,360
Ilang araw na siyang iniiwasan ni Henry.
Alam niya na nagkaroon
493
00:35:29,440 --> 00:35:33,120
ng seryosong meeting
ng Privy Council sa Greenwich,
494
00:35:33,200 --> 00:35:35,720
pero 'di niya alam kung ano'ng nangyayari.
495
00:35:53,360 --> 00:35:55,880
Ang Hari ay inaakusahan ka ng adultery.
496
00:35:57,880 --> 00:36:00,200
Inaresto si Anne ng Privy Council.
497
00:36:06,000 --> 00:36:08,360
Pagdating niya sa Torre ng London,
498
00:36:09,000 --> 00:36:11,200
sinabihan siya na
'di siya mapupunta sa piitan
499
00:36:11,280 --> 00:36:13,200
pero sa apartment ng Reyna.
500
00:36:14,400 --> 00:36:17,960
Ang parehong apartment na ginamit niya
sa gabi bago ang kanyang koronasyon.
501
00:36:18,040 --> 00:36:21,080
Naalala niya ang gabing 'yon bago
ang kanyang unang tagumpay.
502
00:36:21,160 --> 00:36:24,600
Malapit na siyang maging Reyna ng England.
Ngayon, siya ay bilanggo.
503
00:36:26,360 --> 00:36:27,280
Adultery.
504
00:36:28,560 --> 00:36:29,880
Kalokohan.
505
00:36:30,880 --> 00:36:32,160
Mahal ko si Henry.
506
00:36:32,240 --> 00:36:33,240
Alam niya 'yon.
507
00:36:33,320 --> 00:36:34,680
Alam ng lahat 'yon.
508
00:36:35,840 --> 00:36:38,160
Saan nanggaling ang mga pag-aakusa na 'to?
509
00:36:41,040 --> 00:36:42,440
Wala akong mga sagot.
510
00:36:45,160 --> 00:36:48,480
Ang trabaho ko ay bantayan ka
habang nandito ka sa torre.
511
00:36:49,360 --> 00:36:52,040
Si William Kingston ay
ang constable ng tore.
512
00:36:52,120 --> 00:36:54,160
Kung baga, tagapiit ni Anne,
513
00:36:54,240 --> 00:36:58,320
pero sa mata ni Anne, isa rin siyang
mapagkakatiwalaang kasosyo,
514
00:36:58,400 --> 00:36:59,760
parang kaibigan.
515
00:36:59,840 --> 00:37:02,040
Siya ay mag-isa sa puntong ito,
516
00:37:02,120 --> 00:37:04,600
at ibinuhos niya lahat sa kanya.
517
00:37:04,680 --> 00:37:06,080
Magpahinga ka na.
518
00:37:09,840 --> 00:37:11,440
Magandang gabi, Your Majesty.
519
00:37:12,040 --> 00:37:13,320
Magandang gabi, Kingston.
520
00:37:15,160 --> 00:37:16,240
Manahimiik.
521
00:37:17,560 --> 00:37:18,560
Anne Boleyn.
522
00:37:20,480 --> 00:37:24,840
Kinasuhan ka ng adultery,
incest, at pagtataksil.
523
00:37:25,720 --> 00:37:28,240
Hinahamak ang iyong kasal sa Hari,
524
00:37:28,320 --> 00:37:32,760
sinunod mo ang iyong pagnanasa
sa 20 magkakaibang okasyon
525
00:37:33,400 --> 00:37:36,040
at taksil na nakibahagi sa pagtatalik
526
00:37:36,120 --> 00:37:38,240
kasama ang mga alila ng Hari.
527
00:37:39,520 --> 00:37:40,560
Si Henry Norris…
528
00:37:42,800 --> 00:37:44,240
Francis Weston,
529
00:37:45,640 --> 00:37:46,800
Mark Smeaton.
530
00:37:49,320 --> 00:37:54,240
Ikaw din ang pumilit at nagsulsol
sa sarili mong kapatid, si George Boleyn,
531
00:37:54,320 --> 00:37:55,680
upang bastusin ka.
532
00:37:56,760 --> 00:37:58,600
Kalokohan ito.
533
00:37:58,680 --> 00:38:02,520
At nakipagsabwatan ka sa pagkamatay
ng Hari kasama ang mga kalandian mo,
534
00:38:02,600 --> 00:38:04,920
pinapatunayan ng usapan
kasama si Henry Norris
535
00:38:05,000 --> 00:38:07,400
noong ika-29 ng Abril ngayong taon.
536
00:38:07,480 --> 00:38:10,320
Maliban kung, siyempre,
may mangyari sa Hari.
537
00:38:11,600 --> 00:38:12,880
Anne Boleyn.
538
00:38:12,960 --> 00:38:15,880
Paano ko sumasamo sa mga paratang na 'to?
539
00:38:21,400 --> 00:38:22,400
Walang kasalanan.
540
00:38:24,640 --> 00:38:26,680
At ang bawa't isa sa inyo ay alam ito.
541
00:38:32,840 --> 00:38:34,960
Salamat sa pagbabahagi ng saloobin mo.
542
00:38:36,360 --> 00:38:39,240
Ito'y nakakaliwanagan.
543
00:38:41,120 --> 00:38:44,840
Si Sir William Kingston
ay nagsisilbi kay Henry higit sa lahat.
544
00:38:44,920 --> 00:38:47,000
Nandoon ang katapatan niya,
545
00:38:47,080 --> 00:38:49,880
at bilang tagapiit ni Reyna Anne,
546
00:38:49,960 --> 00:38:52,960
ang kanyang tungkulin
ay tiktikan din siya,
547
00:38:53,040 --> 00:38:57,640
para itala kung ano man
ang maaaring magamit sa litis.
548
00:39:01,560 --> 00:39:04,400
Sobrang nagulat siguro si Anne.
549
00:39:04,480 --> 00:39:08,000
Siya ay nagmula
sa pagiging kinahuhumalingan ng Hari
550
00:39:08,080 --> 00:39:10,480
sa akusado ng pagtataksil.
551
00:39:14,480 --> 00:39:17,520
Ang kaso laban kay Anne
ay nakasalalay sa sabi-sabi,
552
00:39:17,600 --> 00:39:22,120
sa tsismis, talaga, ng mga babaeng
nagpapatunay sa pagtataksilk niya.
553
00:39:23,960 --> 00:39:27,760
Sa sandaling mawala ni Anne
ang hawak sa kapangyarihan,
554
00:39:27,840 --> 00:39:31,960
magiging mas madali para kay Jane
o ibang babae tulad ni Jane
555
00:39:32,760 --> 00:39:34,480
upang maipadama ang iniisip nila.
556
00:39:34,560 --> 00:39:38,480
Sinisiraan na siya ni Lady Worcester.
557
00:39:41,320 --> 00:39:43,160
Itinala ito lahat ni Cromwell.
558
00:39:43,240 --> 00:39:45,760
Gagamitin niya 'tong lahat laban kay Anne.
559
00:39:45,840 --> 00:39:47,320
Mag-ingat ka.
560
00:39:47,400 --> 00:39:48,680
'Di mahalaga ang totoo.
561
00:39:48,760 --> 00:39:51,440
Ang mahalaga lang ay tanggalin si Anne.
562
00:39:57,920 --> 00:40:01,760
Si Cromwell ang pinakakilala
na abogado sa kaharian.
563
00:40:01,840 --> 00:40:03,440
Tinitiyak niya ang kanyang kaso.
564
00:40:03,520 --> 00:40:07,360
Ito ay kaso na 'di uubra
sa modernong hukuman ng batas.
565
00:40:07,440 --> 00:40:10,640
Ito ay batay sa sabi-sabi at tsismis,
566
00:40:10,720 --> 00:40:14,680
ngunit binuo ito ni Cromwall
sa isang masamang bagay.
567
00:40:15,600 --> 00:40:16,720
Anne Boleyn.
568
00:40:17,360 --> 00:40:18,720
Nahanap ka ng huradong…
569
00:40:20,640 --> 00:40:22,280
nagkasala sa akusa.
570
00:40:23,720 --> 00:40:25,200
Hinatulan ka ng kamatayan
571
00:40:26,200 --> 00:40:27,560
sa pagsunog o pagpugot ng ulo
572
00:40:29,240 --> 00:40:30,640
sa hiling ng Hari.
573
00:40:40,400 --> 00:40:41,600
Sa mga huli niyang araw,
574
00:40:41,680 --> 00:40:45,160
binisita si Anne
ng kanyang dating kapelyan
575
00:40:45,240 --> 00:40:47,880
at ng Arsobispo ng Canterbury,
si Thomas Cranmer.
576
00:40:48,480 --> 00:40:51,200
Anne, ito ang pagkakataon mong
maging malaya.
577
00:40:54,360 --> 00:40:57,080
Alam ko na 'di 'to papayagan ni Henry.
578
00:40:57,880 --> 00:41:00,720
Kung pirmahan mo 'to,
mapapawalang-bisa ang iyong kasal.
579
00:41:01,920 --> 00:41:02,760
Walang-bisa?
580
00:41:04,160 --> 00:41:07,200
Isa siya sa mga kakampi niya sa korte,
581
00:41:07,280 --> 00:41:12,920
pero ipinadala siya para hikayatin
si Anne na pumayag sa annulment.
582
00:41:13,440 --> 00:41:15,160
Sa anong batayan?
583
00:41:15,240 --> 00:41:16,840
'Wag mo nang intindihin.
584
00:41:16,920 --> 00:41:18,640
Alam ba 'to ni Henry?
585
00:41:26,400 --> 00:41:28,400
Ano'ng ibig sabihin nito
para kay Elizabeth?
586
00:41:31,200 --> 00:41:32,880
Idedeklara siyang bastardo
587
00:41:32,960 --> 00:41:35,160
at aalisin mula sa linya ng paghalili.
588
00:41:36,200 --> 00:41:37,040
Anne.
589
00:41:37,680 --> 00:41:40,480
Kung pirmahan mo 'to,
maiiwasan mo ang kamatayan
590
00:41:40,560 --> 00:41:42,720
at mabuhay sa isang kumbento.
591
00:41:42,800 --> 00:41:44,360
Ito'y tagapagligtas, Anne.
592
00:41:44,440 --> 00:41:45,880
Kunin mo na.
593
00:41:48,680 --> 00:41:50,560
Si Cromwell lahat ito!
594
00:41:52,000 --> 00:41:54,200
Kailangan kong makausap ang asawa ko.
595
00:41:55,400 --> 00:41:57,680
Si Norris, Brereton, Weston at Smeaton
596
00:41:57,760 --> 00:42:00,240
ay napatunayang nagkasala
ng adultery kasama ka.
597
00:42:01,080 --> 00:42:02,880
Sila ay papatayin bukas.
598
00:42:05,840 --> 00:42:06,880
Ang kapatid mo rin.
599
00:42:09,160 --> 00:42:10,160
Si George?
600
00:42:11,480 --> 00:42:12,320
Ngayon,
601
00:42:13,640 --> 00:42:15,720
kung gusto mong maiwasan 'yan…
602
00:42:49,560 --> 00:42:51,280
Kinaawaan ka ng Hari.
603
00:42:53,320 --> 00:42:54,720
Imbes na palakol,
604
00:42:55,360 --> 00:42:57,040
mamamatay ka sa espada.
605
00:42:59,120 --> 00:43:02,240
Marahil isa sa mga pinakamalupit
na elemento ng pagbagsak ni Anne
606
00:43:02,320 --> 00:43:06,920
ay ang pangako
ng patawad kapalit ng annulment.
607
00:43:07,560 --> 00:43:09,920
Isang pangakong, siyempre, 'di tinupad.
608
00:43:14,640 --> 00:43:20,240
Malinaw na ngayon na matagal
nang itinakda ni Henry ang berdugo.
609
00:43:20,320 --> 00:43:23,520
bago pa magsimula ang litis.
610
00:43:24,120 --> 00:43:28,680
Siya ang nagdesisyon
na kailangang umalis ni Anne,
611
00:43:28,760 --> 00:43:30,880
at siya ang may pakana ng lahat.
612
00:43:30,960 --> 00:43:33,040
Gusto niyang mamatay siya,
613
00:43:33,120 --> 00:43:36,080
para makausad na siya
at pakasalan si Jane Seymour.
614
00:43:36,920 --> 00:43:38,400
Nandito ako para mamatay.
615
00:43:40,120 --> 00:43:42,320
Dalangin ko sa Diyos na iligtas ang Hari
616
00:43:43,840 --> 00:43:46,400
at umaasa na mamuno siya
nang maraming taon.
617
00:43:50,120 --> 00:43:54,160
Wala nang mas maamo
o mapagpatawad na pinuno.
618
00:43:57,520 --> 00:44:00,080
Sa akin, siya ay…
619
00:44:04,880 --> 00:44:07,960
tuwina mabait at mapagmahal na asawa.
620
00:44:10,800 --> 00:44:12,000
Ipagdasal ninyo ako.
621
00:44:17,000 --> 00:44:19,680
Ang naiisip lang ni Anne
ay paano protektahan ang anak niya,
622
00:44:20,280 --> 00:44:23,000
at paano portektahan ang pamilya niya,
ang Boleyns.
623
00:44:23,080 --> 00:44:25,600
Buhay pa ang tatay niya.
Mayroon pa rin siyang nanay.
624
00:44:25,680 --> 00:44:28,360
Mayroon pa rin siyang kapatid
at mga anak ng kapatid.
625
00:44:28,440 --> 00:44:32,560
Pinoprotektahan niya ang Boleyns
hanggang sa huling sandali.
626
00:45:25,120 --> 00:45:28,800
Ang nangyari ay ganap na walang uliran.
627
00:45:28,880 --> 00:45:32,240
Wala pang ipinapatay
na Reyna ng England dati.
628
00:45:32,320 --> 00:45:34,480
Nilaglag ni Henry si Anne
629
00:45:34,560 --> 00:45:36,680
dahil 'di niya nabigyan ng lalaking anak.
630
00:45:37,200 --> 00:45:41,120
Dahil sa huli,
'di siya ang babaeng ninais niya.
631
00:45:41,200 --> 00:45:43,080
Gaano ka dakila, kung gayon,
632
00:45:43,720 --> 00:45:48,320
na ang anak niyang babae
ang namuno pagkatapos niya.
633
00:45:48,400 --> 00:45:52,960
Siya ay magiging lahat
nang gustong makamit ni Anne.
634
00:45:53,040 --> 00:45:57,440
Nakita nating natupad ang lahat
sa maliit niyang anak na babae.
635
00:46:00,640 --> 00:46:05,640
Si Elizabeth I ay naging isa
sa pinakamalakas na monarka
636
00:46:05,720 --> 00:46:07,640
na nagkaroon ang England,
637
00:46:08,160 --> 00:46:12,000
at sa mata niya, nakikita si Anne Boleyn.
638
00:46:13,960 --> 00:46:16,320
ANG ANAK NI ANNE BOLEYN,
SI REYNA ELIZABETH I,
639
00:46:16,400 --> 00:46:18,920
AY NAMAHALA SA ENGLAND
NG 44 NA TAON AT HINDI NAG-ASAWA.
640
00:46:19,880 --> 00:46:23,160
NILABAG NIYA LAHAT NG RULES.
641
00:46:47,960 --> 00:46:52,960
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni:
Nick Barrios