1
00:00:06,040 --> 00:00:08,920
ISANG SERIES MULA SA NETFLIX
2
00:00:25,000 --> 00:00:29,200
Ang pagiging kabit
ay parang nasa pagitan ng apoy.
3
00:00:31,160 --> 00:00:35,400
Alam mo ba ang ibig sabihin
upang mahalin ng Hari ng England?
4
00:00:36,280 --> 00:00:37,960
Bakit ako magtitiwala sa'yo?
5
00:00:38,800 --> 00:00:40,400
Ikaw ay magiging mahusay na Reyna,
6
00:00:41,160 --> 00:00:44,480
ngunit mayroon na siya,
at mahal ng mga tao si Katherine.
7
00:00:46,200 --> 00:00:48,040
Kung ano man ito, tapos na 'to.
8
00:00:51,360 --> 00:00:54,160
Gumagawa ka ng malaking pagkakamali.
9
00:00:54,960 --> 00:00:58,800
Tinapon mo ang iyong hinaharap,
ang hinaharap ng pamilya mo!
10
00:00:58,880 --> 00:01:00,120
Mahal kita, Anne!
11
00:01:04,160 --> 00:01:05,000
Pasok.
12
00:01:39,200 --> 00:01:40,840
Kasal? Talaga?
13
00:01:40,920 --> 00:01:43,680
-Oo.
-Talaga, umasa ka pa!
14
00:01:43,760 --> 00:01:48,360
May tsismis sa korte
na gusto ni Henry ng annulment.
15
00:01:48,440 --> 00:01:53,080
Hindi papayag ang pope.
Talaga, problema 'yan.
16
00:01:53,160 --> 00:01:55,160
Matanda na si Katherine para manganak,
17
00:01:55,240 --> 00:01:57,320
at kailangan pa ng Hari ng anak na lalaki.
18
00:01:58,160 --> 00:02:00,640
Sinabi talaga niya
na papakasalan ka niya, Anne?
19
00:02:01,320 --> 00:02:02,160
Siyempre.
20
00:02:04,080 --> 00:02:05,080
Medyo.
21
00:02:06,320 --> 00:02:10,160
Ang ilan sa mga sulat
ni Henry kay Anne ay napakasekswal.
22
00:02:10,240 --> 00:02:14,360
Klaro na gustung-gusto niya ang ideya
23
00:02:14,440 --> 00:02:15,600
na makipagtalik sa kanya.
24
00:02:15,680 --> 00:02:17,160
Sinusulatan niya siya.
25
00:02:17,240 --> 00:02:22,920
Gusto niya "ng gabi para halikan
ang kanyang duckies,"
26
00:02:23,000 --> 00:02:25,280
na Tudor slang para sa mga suso.
27
00:02:25,360 --> 00:02:29,400
Sa panahon ng mga sulat na 'yon,
may nagbago,
28
00:02:29,480 --> 00:02:30,960
at may sandaling
29
00:02:31,040 --> 00:02:35,240
kung saan si Henry
ay matatag na nakatuon kay Anne.
30
00:02:36,720 --> 00:02:40,680
Maraming bagay na hindi niya masabi,
31
00:02:40,760 --> 00:02:42,320
tulad ng, "Pakasalan mo ako?"
32
00:02:42,400 --> 00:02:44,560
Ngunit 'yon ang gusto niya.
33
00:02:45,560 --> 00:02:48,920
At ang pag-imbita sa'kin pabalik sa korte,
34
00:02:49,000 --> 00:02:52,640
nangakong kilalanin ako
bilang taong mahal niya,
35
00:02:52,720 --> 00:02:54,240
kinumpirma lang 'yon.
36
00:02:56,280 --> 00:02:57,840
Bumalik na si Anne sa korte,
37
00:02:57,920 --> 00:03:00,120
pero ngayon, iba na
38
00:03:00,200 --> 00:03:05,640
dahil nangako si Henry
na gawin siyang asawa at Reyna.
39
00:03:05,720 --> 00:03:10,680
Ang ideya na ang Hari ng England
ay isasantabi ang kanyang unang asawa
40
00:03:10,760 --> 00:03:14,120
at pakakasalan ang iba ay nakakagulat.
41
00:03:14,200 --> 00:03:17,680
Asawa pa rin ni Henry
si Katherine ng Aragon.
42
00:03:27,040 --> 00:03:28,320
Nakabalik ka.
43
00:03:28,400 --> 00:03:29,680
Ulit.
44
00:03:38,440 --> 00:03:40,720
Maganda ito, 'di ba?
45
00:03:40,800 --> 00:03:43,520
Regalo mula kay Henry. Sa nanay niya ito.
46
00:03:47,360 --> 00:03:51,280
Ah, ang sweet naman niyan.
47
00:03:58,200 --> 00:04:02,320
Sa ngayon, sanay na si Katherine
sa panloloko ng kanyang asawa.
48
00:04:02,400 --> 00:04:06,040
kaya iniisip siguro
ni Kathere na isa pa ito.
49
00:04:06,120 --> 00:04:09,840
Mawawalan siya ng interes kay Anne
kasing bilis nang mga iba.
50
00:04:10,440 --> 00:04:12,560
'Di ako makapinawala na nakabalik tayo.
51
00:04:13,760 --> 00:04:16,120
At ngayon mayroong suporta.
52
00:04:27,800 --> 00:04:29,520
Iniisip ni Katherine na biro lang ako.
53
00:04:29,600 --> 00:04:31,760
Ano'ng inaasahan mo? Apir?
54
00:04:31,840 --> 00:04:34,400
Sinusubukan mong nakawin ang asawa niya.
55
00:04:36,200 --> 00:04:37,600
Ngunit hindi niya siya mahal.
56
00:04:37,680 --> 00:04:39,040
Mahalaga ba 'yan?
57
00:04:40,600 --> 00:04:44,080
Ang weird na kasal muna siya
sa kapatid ni Henry.
58
00:04:44,160 --> 00:04:48,920
Naalala ko 'yon. Oo, namatay siya,
pagkatapos lumitaw sa mga kamay ni Henry.
59
00:04:49,440 --> 00:04:51,840
Wala talaga silang choice tungkol diyan.
60
00:04:55,720 --> 00:04:58,040
Maaari ako maging mabuting Reyna
tulad ni Katherine.
61
00:04:58,960 --> 00:05:00,520
Sa damit na 'yan, kaya mo.
62
00:05:07,520 --> 00:05:09,680
Ano'ng inaalala mo?
63
00:05:11,280 --> 00:05:12,320
Maganda.
64
00:05:13,520 --> 00:05:14,840
Mabait.
65
00:05:15,400 --> 00:05:16,440
Masikap.
66
00:05:17,640 --> 00:05:19,920
Pinakamagaling na reyna sa lahat.
67
00:05:24,800 --> 00:05:28,640
Kailangan mong kunin ang iba mamaya.
Kunin mo raw ang mga lumang kwarto ko.
68
00:05:29,280 --> 00:05:31,240
'Di ko naman talaga gusto 'tong lugar.
69
00:05:31,840 --> 00:05:33,880
Matatapos kami ng tanghali.
70
00:05:33,960 --> 00:05:35,680
Ay, hindi ko alam.
71
00:05:35,760 --> 00:05:37,440
Hindi ako magre-renovate masyado,
72
00:05:37,520 --> 00:05:40,160
mukhang pansamantala ka lang dito.
73
00:05:45,800 --> 00:05:48,800
Si Anne at Wolsey
ay matagal nang magkaribal.
74
00:05:48,880 --> 00:05:50,080
May history sila.
75
00:05:50,160 --> 00:05:54,120
Nakikita ni Wolsey
na pansamantala lang si Anne para sa Hari,
76
00:05:54,200 --> 00:05:57,520
hindi bilang tunay na kalaban.
77
00:05:59,240 --> 00:06:00,840
Paalam!
78
00:06:05,200 --> 00:06:06,480
Napakaganda.
79
00:06:08,520 --> 00:06:10,280
Oo. Oo nga.
80
00:06:11,960 --> 00:06:13,240
Ikaw ang pinag-uusapan ko.
81
00:06:14,880 --> 00:06:17,480
Titingnan ko ang iba mong kagamitan.
82
00:06:23,880 --> 00:06:25,840
-Dinalhan kita ng latigo.
-Talaga?
83
00:06:25,920 --> 00:06:26,880
Para sa pagsakay.
84
00:06:26,960 --> 00:06:28,120
Ilalabas kita.
85
00:06:29,200 --> 00:06:30,800
Wala akong isusuot.
86
00:06:30,880 --> 00:06:32,960
Mayroon na akong napili para sa'yo.
87
00:06:34,960 --> 00:06:36,520
Marunong kang mangabayo, 'di ba?
88
00:06:41,080 --> 00:06:44,480
'Di ako sigurado na mayroon kang lakas
para makisabay sa'kin, Your Majesty.
89
00:07:10,160 --> 00:07:11,960
Dito ka lang kasama ng mga kabayo.
90
00:07:22,000 --> 00:07:24,080
Rules ko, naaalala mo?
91
00:07:31,040 --> 00:07:33,960
Ang tagal na noong nagkaroon ako
ng magandang kasama sa pagsakay.
92
00:07:35,240 --> 00:07:40,280
Nasaan ka na sa, ah, sa annulment?
93
00:07:41,320 --> 00:07:42,400
Inaayos ko na.
94
00:07:43,000 --> 00:07:44,080
Pangako ko sa'yo.
95
00:07:44,160 --> 00:07:46,360
Ilang taon na akong
'di nakalapit sa kanya.
96
00:07:46,440 --> 00:07:49,200
Mas interesado siya
sa Bibliya kaysa sa kasiyahan.
97
00:07:50,160 --> 00:07:52,160
Tiyak na 'di Bibliyang
nakasulat sa Ingles.
98
00:07:52,240 --> 00:07:56,320
Siyempre hindi. Dapat basahin
ang Bibliya sa Latin, tulad nang dati.
99
00:07:57,880 --> 00:07:59,360
Gusto mo raw sunugin.
100
00:08:00,640 --> 00:08:01,840
Mga libro o erehe?
101
00:08:01,920 --> 00:08:02,760
Pareho.
102
00:08:03,680 --> 00:08:06,720
Alam nila ang kahihinatnan kung mahuli.
103
00:08:09,200 --> 00:08:11,200
Ang parusa ba ay akma sa krimen?
104
00:08:28,080 --> 00:08:28,920
Henry!
105
00:08:31,120 --> 00:08:32,640
Hala, ano'ng nangyari?
106
00:08:37,240 --> 00:08:38,080
Huli ka!
107
00:08:39,800 --> 00:08:40,760
Anne, ako'y…
108
00:08:41,680 --> 00:08:43,600
Anne, patawad.
109
00:08:44,160 --> 00:08:45,360
-Bitawan mo ako!
-Patawad.
110
00:08:45,440 --> 00:08:47,200
Pakiusap, patawarin mo ako.
111
00:08:47,880 --> 00:08:48,720
Huli ka!
112
00:09:25,960 --> 00:09:29,000
Gusto ko ang anak ko
ang susunod na Hari ng England.
113
00:09:34,800 --> 00:09:37,120
Iyan ang matagal ko nang inaasam.
114
00:09:40,160 --> 00:09:42,520
Noong naging Hari si Henry VIII,
115
00:09:42,600 --> 00:09:45,440
ang Tudors ay medyo bagong dinastiya,
116
00:09:45,520 --> 00:09:47,560
at marupok rin,
117
00:09:47,640 --> 00:09:49,600
kaya napakasakit niyang alam
118
00:09:49,680 --> 00:09:53,840
na kailangan niyang magkaanak na lalaki
para palakasin ang trono.
119
00:09:53,920 --> 00:09:56,320
Hindi puwedeng mabuntis
si Anne bago sila ikasal
120
00:09:56,400 --> 00:09:58,640
dahil ang tagapagmana ay 'di lehitimo.
121
00:09:58,720 --> 00:10:00,200
Kailangan maayos nilang gawin.
122
00:10:00,280 --> 00:10:02,760
Kailangan ng lehitimong tagapagmana
para sa trono.
123
00:10:02,840 --> 00:10:05,840
Kung gusto mo ako, pakasalan mo muna ako.
124
00:10:08,640 --> 00:10:09,640
Gagawin ko.
125
00:10:10,720 --> 00:10:11,720
Gusto ko lahat.
126
00:10:13,800 --> 00:10:14,640
Gusto kita
127
00:10:16,120 --> 00:10:17,040
maging akin.
128
00:10:36,000 --> 00:10:38,560
Mula sa unang date na 'yon,
129
00:10:40,120 --> 00:10:41,120
minahal ko siya.
130
00:10:43,160 --> 00:10:44,480
Ngunit may mga bagay…
131
00:10:46,680 --> 00:10:47,880
na hindi niya alam,
132
00:10:49,120 --> 00:10:50,920
mga bagay na 'di ko maipakita.
133
00:10:51,000 --> 00:10:54,520
Alam ko na mahilig si Henry magsunog
ng mga erehe sa stake.
134
00:10:55,040 --> 00:10:59,600
At sa isang paraan, ako ay isang erehe,
135
00:11:00,200 --> 00:11:02,280
sa aking kontrobersyal na mga babasahin.
136
00:11:03,960 --> 00:11:05,680
Delikado ang nilalaro ko.
137
00:11:23,600 --> 00:11:26,280
Isa pang regalo mula kay Henry?
138
00:11:26,360 --> 00:11:27,680
Mismo.
139
00:11:29,120 --> 00:11:33,600
Hula ko na mabuti ang una niyong date?
140
00:11:34,520 --> 00:11:37,800
Dahil ang bago mong jowa ay ginawa akong
141
00:11:38,800 --> 00:11:43,840
Esquire ng Katawan
at Master ng mga Buckhound.
142
00:11:44,880 --> 00:11:47,040
Kalokohang titulo 'yan,
143
00:11:47,120 --> 00:11:50,080
pero kung sabihin mong mahalaga,
eh 'di, grabe, bilib ako,
144
00:11:50,160 --> 00:11:53,120
Kung 'di ka nakatingin sa mata ni sinta,
145
00:11:53,200 --> 00:11:55,920
naisip ko na baka gusto mong tingnan ito.
146
00:11:59,120 --> 00:12:02,880
The Obedience of a Christian Man
ni William Tyndale.
147
00:12:04,040 --> 00:12:07,960
Sinasabi nito na ang Hari
ay hindi dapat managot kahit kanino,
148
00:12:08,720 --> 00:12:10,120
kahit sa pope.
149
00:12:11,960 --> 00:12:15,240
Naisip ko na baka ito ang sagot
sa problema mo kay Katherine.
150
00:12:15,320 --> 00:12:16,840
Kontrobersyal.
151
00:12:17,560 --> 00:12:19,200
Napaka-erehiya.
152
00:12:20,480 --> 00:12:22,240
Huwag kang magpahuli, Anne.
153
00:12:22,760 --> 00:12:26,960
Si Anne at ang kapatid niya, si George,
ay malinaw nang tinanggap
154
00:12:27,040 --> 00:12:29,800
ang ilan sa mga radikal
na ideya ng relihiyon
155
00:12:29,880 --> 00:12:33,440
na nagsimulang kumalat sa buong England.
156
00:12:33,520 --> 00:12:35,400
At delikado ito para sa kanila.
157
00:12:35,480 --> 00:12:38,200
Ito ay labag sa opisyal na relihiyon,
158
00:12:38,280 --> 00:12:40,680
at ang parusa para diyan ay kamatayan.
159
00:12:40,760 --> 00:12:42,600
Ano'ng ginagawa niyong dalawa?
160
00:12:44,520 --> 00:12:47,520
Ikinukuwento ko lang kay Anne
ang promosyon ko.
161
00:12:50,040 --> 00:12:52,400
Naisip kong ipagdiriwang
ang bago mong trabaho.
162
00:12:53,200 --> 00:12:54,320
Maganda 'yan,
163
00:12:55,400 --> 00:12:59,360
pero 'yong mga aso,
'di nila aalagaan ang sarili nila.
164
00:13:10,080 --> 00:13:12,440
Nasa pag-aari ni Anne
165
00:13:12,520 --> 00:13:15,680
ang isa sa pinakakontrobersyal
na libro sa buong mundo,
166
00:13:15,760 --> 00:13:19,280
ang Obedience of a Christian Man
ni William Tyndale.
167
00:13:19,360 --> 00:13:20,360
Ito ay dinamita.
168
00:13:20,440 --> 00:13:25,280
Inihahayag nitong libro na ang Hari
ay dapat nasa itaas ng pope.
169
00:13:25,360 --> 00:13:30,000
Hinahamon nito ang pundasyon
ng Roman Catholic faith.
170
00:13:30,080 --> 00:13:33,160
Si William Tyndale ay tumatakbo
mula sa Hari ng England
171
00:13:33,240 --> 00:13:36,120
para sa pagsasalin ng Bibliya sa Ingles.
172
00:13:36,200 --> 00:13:39,680
Ito ay ilegal sa England ni Henry.
173
00:13:39,760 --> 00:13:43,840
Ito ay erehiya,
at maaaring dalhin ka nito sa stake.
174
00:13:48,000 --> 00:13:50,040
Binabasa mo pa rin 'yan?
175
00:13:50,120 --> 00:13:52,840
Hala, ano'ng oras na? Mahuhuli ako!
176
00:13:52,920 --> 00:13:54,240
Ibaba libro, suot alahas!
177
00:13:54,320 --> 00:13:55,760
Pakitago nga para sa'kin?
178
00:13:55,840 --> 00:13:56,800
Sige.
179
00:13:57,320 --> 00:14:00,320
'Di natin gustong
nakalantad itong dinamita.
180
00:14:00,840 --> 00:14:04,480
Kung mahanap ito ni Hari Henry,
masusunog ang lahat.
181
00:14:06,520 --> 00:14:08,400
Magpakasaya sa ménage à trois!
182
00:14:25,640 --> 00:14:29,120
Si Henry ay nakatira kasama
ang parehong babae.
183
00:14:29,200 --> 00:14:32,200
Palagi silang nagkikita-kita.
184
00:14:32,280 --> 00:14:36,040
Pinapahirapan niyon si Anne.
185
00:15:01,040 --> 00:15:04,160
'Di-kapani-paniwala,
nangyari talaga itong laro ng baraha.
186
00:15:04,240 --> 00:15:08,720
Si Katherine at Anne at Henry
ay umupo para maglaro ng baraha.
187
00:15:08,800 --> 00:15:12,880
Ang sama siguro ng kapaligiran.
188
00:15:12,960 --> 00:15:16,880
Si Katherine nakasimangot kay Anne,
189
00:15:16,960 --> 00:15:19,560
si Henry siguro nagpapakasaya,
190
00:15:19,640 --> 00:15:23,760
at si Anne naman, natuwa siya sa pagsubok.
191
00:15:49,440 --> 00:15:50,680
Pagod na ako maglaro.
192
00:15:52,760 --> 00:15:53,800
Magandang gabi.
193
00:15:58,840 --> 00:16:04,000
Ang pagmamaliit kay Anne ang magiging
tanging pagkakamali ni Katherine.
194
00:16:08,200 --> 00:16:13,080
Sana tinanggap ni Katherine na tapos na
noong alam ng lahat na ganoon.
195
00:16:13,160 --> 00:16:16,800
Hindi lang dahil 'di niya nabigyan
ng tagapagmana si Henry.
196
00:16:16,880 --> 00:16:20,040
Dahil 'di nila mahal ang isa't-isa.
Ano'ng inasahan niya?
197
00:16:20,120 --> 00:16:23,920
Ang tanging bagay na walang pagdududa
ay mahal ako ni Henry
198
00:16:24,000 --> 00:16:26,240
higit pa sa pagmamahal niya kay Katherine.
199
00:16:26,320 --> 00:16:28,600
At magsasama talaga kami.
200
00:16:32,480 --> 00:16:33,520
Anne…
201
00:16:34,040 --> 00:16:37,280
Sinabihan na kita maraming beses
na 'di ako magiging kabit mo.
202
00:16:37,800 --> 00:16:40,280
-Hindi ka nga.
-'Di 'yan ang iniisip niya.
203
00:16:40,360 --> 00:16:43,160
Ganito, inaayos pa ni Wolsey
ang mga detalye,
204
00:16:43,240 --> 00:16:46,280
pero kailangan nating kumbinsihin ang pope
205
00:16:46,360 --> 00:16:49,440
na ang kasal ko kay Katherine
ay hindi talaga balido.
206
00:16:51,480 --> 00:16:54,640
At ano ang plano para gawin 'yan?
207
00:16:54,720 --> 00:16:56,800
Sumang-ayon lang ang Simbahan sa kasal
208
00:16:56,880 --> 00:16:59,400
dahil 'di nakipagtalik
si Katherine sa kapatid ko.
209
00:16:59,920 --> 00:17:02,040
-Nagsinungaling siya?
-Maaari.
210
00:17:02,640 --> 00:17:04,320
Pinarusahan ako ng Diyos.
211
00:17:06,600 --> 00:17:08,000
Leviticus 20 berso 21.
212
00:17:08,080 --> 00:17:11,080
"Kung ikasal ng lalaki ang asawa
ng kapatid niya, bawal mag-anak."
213
00:17:11,160 --> 00:17:12,080
Mismo.
214
00:17:13,280 --> 00:17:15,280
Iniisip mo ba ang iniisip ko?
215
00:17:16,960 --> 00:17:18,560
Kailangan nating patunayan.
216
00:17:19,280 --> 00:17:22,400
Kinumbinsi namin si Wolsey
upang magsagawa ng divorce hearing,
217
00:17:22,480 --> 00:17:27,920
pero walang balak
si Katherine sumuko nang walang laban.
218
00:17:28,640 --> 00:17:34,360
Ang kasal ni Henry at Katherine ay nilitis
sa korte sa Blackfriars noong Hulyo 1529,
219
00:17:34,440 --> 00:17:36,840
at namumuno rito ay si Wolsey
220
00:17:36,920 --> 00:17:40,400
at ang tauhan ng pope,
si Cardinal Lorenzo Campeggio.
221
00:17:40,480 --> 00:17:44,200
Makakuha ng diborsiyo
para sa Hari ay hindi madali.
222
00:17:44,280 --> 00:17:48,360
Kailangan ng awtoridad,
ang pagsang-ayon ng pope.
223
00:17:49,760 --> 00:17:51,280
Tumayo si Henry.
224
00:17:51,360 --> 00:17:56,160
Sabi niya na nahihirapan siya
sa pag-aalinlangan ng kanyang konsensya,
225
00:17:56,240 --> 00:18:01,320
na ang utak at puso niya
ay 'di matiis 'tong kasinungalingan,
226
00:18:01,400 --> 00:18:03,640
pagiging asawa ng balo ng kanyang kapatid.
227
00:18:03,720 --> 00:18:06,760
Tumigil ka nga. Nahihilo ako sa'yo.
228
00:18:06,840 --> 00:18:08,280
'Di ko mapigilan!
229
00:18:08,360 --> 00:18:10,360
Maraming nakasalalay dito!
230
00:18:14,200 --> 00:18:15,720
Labas!
231
00:18:16,600 --> 00:18:19,080
Nabaliw si Katherine. Lumuhod siya sa'kin.
232
00:18:19,160 --> 00:18:20,040
Ano?
233
00:18:20,120 --> 00:18:22,560
Isinumpa niya na birhen siya
noong ikinasal kami.
234
00:18:22,640 --> 00:18:24,680
Diyos raw ang maging hukom sa kanya.
235
00:18:26,880 --> 00:18:30,520
Ayaw maghatol ng tauhan ng pope,
sabi ni Wolsey na sayang lang sa oras.
236
00:18:30,600 --> 00:18:31,800
Walang maniniwala.
237
00:18:36,280 --> 00:18:37,640
Tapos na raw ang lahat.
238
00:18:42,200 --> 00:18:43,280
Tapos na nga.
239
00:18:48,480 --> 00:18:50,640
Ang kapalpakan ng litis
240
00:18:50,720 --> 00:18:55,080
ay nangangahulugan na lahat
ng inaasam nina Henry at Anne
241
00:18:55,160 --> 00:18:57,320
ay bumagsak sa alikabok.
242
00:18:57,400 --> 00:19:01,640
Higit dalawang taon na silang naghihintay
243
00:19:01,720 --> 00:19:04,120
upang magkasama nang pormal,
244
00:19:04,200 --> 00:19:06,920
at sinira lahat ni Katherine.
245
00:19:07,000 --> 00:19:11,440
Sanay si Henry na ginagawa
ni Wolsey lahat ng hiling niya.
246
00:19:11,520 --> 00:19:15,800
Halos 20 taon
na siyang pinaglinkuran nang tapat,
247
00:19:15,880 --> 00:19:18,040
pero pumapalpak ngayon si Wolsey.
248
00:19:18,120 --> 00:19:23,320
Hindi niya nakuha ang diborsiyong
lubhang kailangan ng Hari.
249
00:19:23,400 --> 00:19:27,080
'Di puwedeng makawala si Katherine!
May iba pa sigurong paraan!
250
00:19:29,680 --> 00:19:30,880
Sinubukan natin lahat.
251
00:19:31,720 --> 00:19:35,360
Paano ang pope?
Akala ko may impluwensiya ka sa kanya.
252
00:19:35,440 --> 00:19:37,520
Hindi lalaban ang pope kay Katherine.
253
00:19:37,600 --> 00:19:39,560
Marami siyang kaibigang matataas.
254
00:19:40,400 --> 00:19:42,760
Tanggapin natin ang mga bagay
na 'di natin mababago.
255
00:19:43,960 --> 00:19:45,160
Hindi ako susuko.
256
00:19:46,760 --> 00:19:49,600
Dahil lang akala mo
na 'di naaangkop ang mga rules sa'yo
257
00:19:50,520 --> 00:19:52,800
'di ibig sabihin na 'di ka madadale nito.
258
00:19:54,480 --> 00:19:58,160
Bale, isang lalaki ng simbahan
na may kabit at dalawang anak
259
00:19:58,240 --> 00:20:00,720
ay gustong pag-usapan ang rules?
260
00:20:04,400 --> 00:20:09,000
Ang paninira rito bilang kabit
ng Hari ay sobra na para sa'yo.
261
00:20:11,040 --> 00:20:13,440
'Di ako magbabalak
ng mas mataas pa kung ako ikaw.
262
00:20:19,760 --> 00:20:21,880
Sa iyo, tama?
263
00:20:23,560 --> 00:20:24,760
Saan mo nakuha 'yan?
264
00:20:26,320 --> 00:20:28,880
Ayokong makarating ito sa Hari.
265
00:20:32,680 --> 00:20:39,280
Ang katotohanan na ang librong ito
ay pag-aari ni Anne ay delikado.
266
00:20:39,360 --> 00:20:40,760
Kung mahuli siya,
267
00:20:40,840 --> 00:20:43,960
maaari siyang arestuhin
at sunugin sa stake bilang erehe.
268
00:20:44,040 --> 00:20:47,480
Kailangan niyang mauna
sa Hari bago ang iba
269
00:20:48,080 --> 00:20:50,280
dahil ang Hari lang
ang makakaligtas sa kanya.
270
00:20:54,000 --> 00:20:55,120
Saan mo nakuha 'to?
271
00:20:55,200 --> 00:20:56,240
Sa'kin 'to.
272
00:20:57,440 --> 00:20:59,160
Henry kailangan mong basahin 'to.
273
00:20:59,800 --> 00:21:03,120
Maaari nitong baguhin ang buhay natin.
Maaari nitong baguhin lahat.
274
00:21:04,720 --> 00:21:09,120
Sinasabi nito ang isang hari
ay pinanganak 'di lamang para maging hari
275
00:21:09,200 --> 00:21:12,480
pero para maging pinuno ng bagong mundo
nananagot lang sa Diyos,
276
00:21:12,560 --> 00:21:15,080
at 'di ka mauutusan ng pope.
277
00:21:15,160 --> 00:21:18,200
Ito ay paraan
para patalsikin ang kalupitan ng pope
278
00:21:18,280 --> 00:21:20,360
at ibalik ang biyaya mong
karapatang mamuno.
279
00:21:21,520 --> 00:21:23,640
'Di ka mananagot kahit kanino
maliban sa Diyos.
280
00:21:24,960 --> 00:21:26,120
Kahit ako hindi.
281
00:21:26,200 --> 00:21:28,520
'Di mo kailangan ng permiso kahit kanino.
282
00:21:31,600 --> 00:21:33,400
Nakikita kong inamin ni Anne ang lahat.
283
00:21:52,720 --> 00:21:54,040
Mag-usap tayo, Wolsey.
284
00:22:01,480 --> 00:22:02,800
Nagmarka si Anne ng mga sipi.
285
00:22:02,880 --> 00:22:06,720
Mga sipi na nagsasabi na ang awtoridad
ng Hari sa kanyang kaharian
286
00:22:06,800 --> 00:22:09,440
ay mas mataas sa pope. Naiintindihan niya.
287
00:22:09,520 --> 00:22:11,440
Ang pope ay ang pinuno ng Simbahan.
288
00:22:11,520 --> 00:22:16,000
Siya ang namamahala
sa lahat ng Christendom,
289
00:22:16,080 --> 00:22:18,080
ngunit sa buong Europe,
290
00:22:18,160 --> 00:22:22,960
ang mga tao ay lumipat sa bagong pag-isip
tungkol sa pananampalataya.
291
00:22:23,040 --> 00:22:24,720
May paghahating nangyayari.
292
00:22:24,800 --> 00:22:29,680
Kung ano'ng naging isang Simbahan
ay masakit na hinahati sa dalawa.
293
00:22:29,760 --> 00:22:32,680
Noong inilagay ni Anne
ang libro sa kamay ni Henry,
294
00:22:32,760 --> 00:22:35,840
iniabot niya lahat
ng katwirang kinailangan niya
295
00:22:35,920 --> 00:22:40,720
para humiwalay sa Rome at magtayo
ng sariling simbahan sa England.
296
00:22:40,800 --> 00:22:44,040
Ginulat talaga nito ang buong mundo.
297
00:22:44,120 --> 00:22:47,600
Ito ay isa sa pinakamahalagang sandali,
'di lang sa paghahari ni Henry
298
00:22:47,680 --> 00:22:50,480
pero sa buong kasaysayan ng England,
299
00:22:50,560 --> 00:22:52,880
at dahil lahat kay Anne!
300
00:22:52,960 --> 00:22:56,560
At minamarka nito ang katapusan ni Wolsey.
301
00:22:56,640 --> 00:22:59,400
Pumalpak siyang makakuha ng annulment.
302
00:22:59,480 --> 00:23:04,360
Nakakahiyang pinaalis siya
sa korte at inaresto siya,
303
00:23:04,440 --> 00:23:07,640
pero namatay siya papunta
sa Torre ng London.
304
00:23:13,680 --> 00:23:15,680
'Di ko alam na sasama ka sa'min.
305
00:23:15,760 --> 00:23:19,640
Narinig ko na pinadala
ni Henry si Katherine sa Windsor.
306
00:23:29,640 --> 00:23:32,440
Si Thomas Cromwell,
ang bagong kanang kamay ni Henry.
307
00:23:32,520 --> 00:23:35,960
Mas mabait kaysa kay Wolsey.
Maamong mata, matatag na prinsipyo.
308
00:23:36,040 --> 00:23:38,240
Si Thomas Cromwell ay isang madla.
309
00:23:38,320 --> 00:23:40,040
Anak siya ng panday,
310
00:23:40,120 --> 00:23:44,440
pero isa rin siya
sa pinakamahusay noong panahon ng Tudor.
311
00:23:44,520 --> 00:23:46,440
Magaling siya na abogado,
312
00:23:46,520 --> 00:23:48,720
at siya ay repormador sa relihiyon,
313
00:23:48,800 --> 00:23:51,720
kaya marami siyang katulad kay Anne.
314
00:23:55,440 --> 00:23:57,400
Magagawa na ni Henry
ang lahat ng gusto niya
315
00:23:57,480 --> 00:24:00,720
ngayong siya na
ang Kataas-taasang Pinuno ng Simbahan!
316
00:24:00,800 --> 00:24:03,280
May nararamdaman ba akong
parating na koronasyon?
317
00:24:04,040 --> 00:24:05,480
Hinay lang, Georgie boy.
318
00:24:15,080 --> 00:24:16,120
Ano 'yan?
319
00:24:16,200 --> 00:24:19,120
'Di ko alam na si Katherine
ay magaling na artista.
320
00:24:22,160 --> 00:24:26,680
Paano natin alam na galing kay Katherine?
Maaaring kahit sino. Baka isang omen.
321
00:24:26,760 --> 00:24:28,160
Huwag kang madrama.
322
00:24:29,360 --> 00:24:30,480
Kalimutan mo na.
323
00:24:31,280 --> 00:24:33,880
Kapag ang babaeng tulad
ni Anne ay patungo sa tuktok,
324
00:24:34,480 --> 00:24:35,640
magagalit ang mga galit.
325
00:24:37,040 --> 00:24:39,240
Wala 'yan kundi biro.
326
00:24:41,760 --> 00:24:45,120
May kalaban na si Anne kung saan-saan.
327
00:24:45,200 --> 00:24:48,440
Mahal ng tao si Katherine,
ang tunay na Reyna,
328
00:24:48,520 --> 00:24:54,920
at ngayon idinidirekta ni Anne
ang Hari sa radikal na relihiyon.
329
00:24:55,000 --> 00:24:56,360
May pagbabanta sa buhay niya.
330
00:24:57,360 --> 00:24:58,680
Isang tala lang 'yon.
331
00:24:59,360 --> 00:25:03,480
Ang korte ng madla ay mayroong
halo-halong pananaw sa nangyari.
332
00:25:03,560 --> 00:25:06,680
Ang iba ay maka-Katherine.
Ang iba ay maka-Anne.
333
00:25:07,880 --> 00:25:09,360
Ito'y pugad ng mga manloloko.
334
00:25:19,200 --> 00:25:20,800
Nagroromansa si Henry.
335
00:25:28,000 --> 00:25:30,240
Hindi isa pang patay na hayop, 'di ba?
336
00:25:44,640 --> 00:25:45,600
Gusto mo?
337
00:25:47,840 --> 00:25:49,920
Perpekto para sa kasal natin.
338
00:25:51,440 --> 00:25:52,320
Dali.
339
00:25:53,480 --> 00:25:54,640
Bigyan mo ako ng preview.
340
00:26:08,760 --> 00:26:09,920
Isa, dalawa…
341
00:27:19,520 --> 00:27:23,000
Anne. Alam mo kung ano'ng
nararamdaman ko sa'yo.
342
00:27:23,080 --> 00:27:24,080
Alam ko,
343
00:27:24,680 --> 00:27:28,240
pero, Henry, 'di natin puwedeng
pag-usapan 'to ulit.
344
00:27:28,960 --> 00:27:30,600
Masisiguro natin na si Anne at Henry
345
00:27:30,680 --> 00:27:33,920
ay 'di nagkaroon ng lubos
na pagtatalik sa mga taong ito
346
00:27:34,000 --> 00:27:36,800
dahil walang maaasahang contraception,
347
00:27:36,880 --> 00:27:41,080
pero sigurado ako
na ginagawa nila lahat maliban doon.
348
00:27:44,520 --> 00:27:45,680
Ikakasal tayo.
349
00:27:47,000 --> 00:27:48,120
Ito'y nasa oras lang.
350
00:27:48,200 --> 00:27:51,160
May mga kailangan lang akong ayusin,
'yon lang.
351
00:27:54,400 --> 00:27:56,760
Kailangan nating makuha
ang European friends natin.
352
00:28:01,200 --> 00:28:03,000
Bakit 'di tayo pumunta sa France?
353
00:28:04,680 --> 00:28:06,160
Magandang ideya 'yan.
354
00:28:10,880 --> 00:28:14,920
Humiwalay talaga si Henry
mula sa Katolikong Europe,
355
00:28:15,000 --> 00:28:17,640
at kung gagawin niyang Reyna si Anne,
356
00:28:17,720 --> 00:28:21,440
kailangan niya ang suporta
ng isang Hari ng Europe.
357
00:28:21,520 --> 00:28:25,280
Naisip nila, na kahit si Francis,
ang Hari ng France, ay kilala si Anne,
358
00:28:25,360 --> 00:28:29,200
baka maibigay niya
ang kanyang awtoridad sa kasal.
359
00:28:29,280 --> 00:28:32,760
Para kay Anne, maraming nakasalalay
sa pagpunta sa France.
360
00:28:32,840 --> 00:28:36,400
Ito ang una niyang
paglakbay kasama si Henry.
361
00:28:36,480 --> 00:28:40,440
Sila ay item, at ito ang punto
kung saan magiging publiko ito.
362
00:29:02,840 --> 00:29:05,080
Paano kung hindi ko mapili si Francis?
363
00:29:05,160 --> 00:29:08,440
Teka. Walang maskarang malaki
ang makakatago sa ilong 'yon.
364
00:29:09,520 --> 00:29:11,200
Napaka-competitive mo.
365
00:29:11,280 --> 00:29:14,120
Narito tayo para gawin kaibigan
ang Hari ng France,
366
00:29:14,200 --> 00:29:17,200
sa pagka-unawa na ako
ang mas mabuting lalaki.
367
00:29:18,440 --> 00:29:20,400
Hindi ko iisipin kundi man.
368
00:29:20,960 --> 00:29:22,560
Gawin mo na ang iyong tungkulin.
369
00:30:16,880 --> 00:30:19,440
Dinala ni Henry ang kabit niya.
370
00:30:21,320 --> 00:30:22,840
Anne Boleyn!
371
00:30:23,760 --> 00:30:25,160
Nakakagulat!
372
00:30:27,880 --> 00:30:30,080
Sana mabuti ang kapatid mong babae?
373
00:30:32,000 --> 00:30:36,440
Your Majesty, may gusto kaming
pag-usapan ni Hari Henry.
374
00:30:37,440 --> 00:30:40,320
At hindi 'to tungkol sa wrestling.
375
00:30:42,840 --> 00:30:44,800
Hanapin mo ako mamaya.
376
00:30:45,600 --> 00:30:47,080
Mag-usap tayo.
377
00:30:56,320 --> 00:30:58,760
Tumatawag ang buffet! Nagugutom ako!
378
00:31:00,400 --> 00:31:02,880
Napakasaya ni Anne na makabalik sa France.
379
00:31:02,960 --> 00:31:05,920
Malaking parte ang France
sa kanyang paglaki.
380
00:31:06,000 --> 00:31:09,040
Gustong makita ni Anne
ang kaibigan niyang si Marguerite,
381
00:31:09,120 --> 00:31:11,800
na taos-puso niyang sinusulatan.
382
00:31:20,600 --> 00:31:22,120
May hinahanap ka?
383
00:31:22,720 --> 00:31:25,840
Si Marguerite? Kapatid ni Hari Francis.
Magkaibigan kami.
384
00:31:26,720 --> 00:31:28,240
'Di mo alam na 'di siya pupunta?
385
00:31:28,840 --> 00:31:31,600
Tama. May sakit siya.
386
00:31:32,640 --> 00:31:35,840
Baka allergic siya sa mga puta.
387
00:31:53,960 --> 00:31:55,960
Huwag mong ipakitang umiiyak ka.
388
00:32:02,840 --> 00:32:04,720
Pep talk ba ito?
389
00:32:06,600 --> 00:32:08,320
Anak ako ng panday.
390
00:32:09,040 --> 00:32:12,600
Walang tao sa kuwartong ito
na iniisip na nararapat ako rito.
391
00:32:13,360 --> 00:32:16,600
Anne, kapag bugbugin ka nila…
392
00:32:17,880 --> 00:32:19,440
…tandaan mo kung sino ka.
393
00:32:43,000 --> 00:32:45,040
Uy, dali na.
394
00:32:45,120 --> 00:32:47,640
Salamat sa'yong alindog
at sa talas ng isip ko,
395
00:32:47,720 --> 00:32:49,600
may biyaya na tayo ng France.
396
00:32:52,760 --> 00:32:56,280
Hindi ka kakausapin
ng mga batang 'yon kung nandoon ako.
397
00:32:58,920 --> 00:32:59,920
Ayos lang.
398
00:33:00,880 --> 00:33:02,520
Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.
399
00:33:08,000 --> 00:33:09,160
Ayos lang.
400
00:33:11,040 --> 00:33:12,120
Salo kita.
401
00:33:16,440 --> 00:33:17,720
Noong namatay ang tatay ko,
402
00:33:19,120 --> 00:33:22,720
akala ng mga tagapayo niya
na 'di ko kayang mamuno sa England.
403
00:33:23,600 --> 00:33:26,920
Pero naniniwala ako
na pinili ako ng Diyos maging Hari.
404
00:33:27,000 --> 00:33:30,440
at tungkulin ko ito
upang matupad 'yon kung kaya ko.
405
00:33:32,320 --> 00:33:33,720
Ngunit may tiwala ka sa'kin.
406
00:33:36,480 --> 00:33:37,720
May tiwala ako sa'yo.
407
00:33:42,800 --> 00:33:44,120
Kaya natin 'to, Anne.
408
00:35:02,080 --> 00:35:03,080
Sigurado ka?
409
00:35:36,680 --> 00:35:39,040
Bukod-tangi ka, Anne Boleyn.
410
00:35:45,440 --> 00:35:46,400
Ano'ng problema?
411
00:35:50,840 --> 00:35:53,520
Sa tingin mo na nabuntis ako kagabi?
412
00:35:56,880 --> 00:35:58,400
Magandang pag-iisip 'yan.
413
00:35:59,600 --> 00:36:01,160
Henry, seryoso ako!
414
00:36:01,240 --> 00:36:02,880
Seryoso nga ako.
415
00:36:06,680 --> 00:36:07,920
Pabayaan na ang Rome.
416
00:36:09,600 --> 00:36:11,080
Kakampi natin ang France.
417
00:36:12,040 --> 00:36:13,360
Wala nang paghihintay.
418
00:36:15,520 --> 00:36:17,080
Magpakasal na tayo ngayon.
419
00:36:18,600 --> 00:36:20,000
Gusto kita, Anne.
420
00:36:20,960 --> 00:36:25,000
Gusto kita araw-araw
sa tabi ko bilang asawa ko.
421
00:36:29,320 --> 00:36:30,440
Mahal kita.
422
00:36:33,440 --> 00:36:34,520
Mahal kita.
423
00:36:48,160 --> 00:36:53,520
Nagpakasal nang pribado
si Henry at Anne noong 1532 sa Dover.
424
00:36:54,080 --> 00:36:56,280
Hindi lang pribado pero sikreto rin.
425
00:37:00,320 --> 00:37:03,720
Si Anne ay medyo hindi kilalang babae,
426
00:37:03,800 --> 00:37:08,160
ngunit siya ay kinuha sa madla
upang pakasalan ang Hari ng England,
427
00:37:08,240 --> 00:37:10,840
na na-torete sa kanya.
428
00:37:10,920 --> 00:37:15,120
Ito ang ipinaglaban niya
sa loob ng pitong mahabang taon,
429
00:37:15,200 --> 00:37:18,600
at determinado siyang lasapin
ang kanyang sandali.
430
00:37:26,600 --> 00:37:28,440
Ginawa ni Henry para kay Anne
431
00:37:28,520 --> 00:37:30,000
dahil mahal niya,
432
00:37:30,080 --> 00:37:34,800
pero dahil gusto rin niya ng tagapagmana.
433
00:37:39,000 --> 00:37:41,800
Naniwala si Henry at Anne
na lehitimo ang kasal nila,
434
00:37:41,880 --> 00:37:43,720
pero kasal siya kay Katherine ng Aragon.
435
00:37:43,800 --> 00:37:46,320
Kasala siya sa dalawang reyna.
Siya ay bigamist.
436
00:37:54,280 --> 00:37:55,560
Ayos lang lahat?
437
00:37:58,120 --> 00:38:00,640
'Di lang ako gutom ngayong umaga.
438
00:38:01,880 --> 00:38:03,720
Medyo nahihilo nga ako.
439
00:38:04,320 --> 00:38:06,720
Pakiabot nga ako ng isang mansanas?
440
00:38:08,080 --> 00:38:08,920
Salamat.
441
00:38:10,880 --> 00:38:15,200
Halos hindi ka kumain buong linggo.
Ayos ka lang? Tawag ba ako ng doktor?
442
00:38:15,280 --> 00:38:18,280
Huwag na. Ang sarap ng pakiramdam ko.
443
00:38:22,400 --> 00:38:23,600
Buntis ka?
444
00:38:25,480 --> 00:38:26,800
Sa wakas!
445
00:38:26,880 --> 00:38:30,160
Anak ko! Sabi ng astrologer ko
na magiging lalaki!
446
00:38:32,040 --> 00:38:34,080
Ang tagal kong naghintay, Anne.
447
00:38:40,240 --> 00:38:44,040
Noong 1532, si Thomas Cranmer ay hinirang
bilang Arsobispo ng Canterbury.
448
00:38:44,120 --> 00:38:46,320
Nagbukas siya
ng napakaikling imbestigasyon
449
00:38:46,400 --> 00:38:48,640
sa kasal ni Henry kay Katherine ng Aragon,
450
00:38:48,720 --> 00:38:50,040
idineklara itong walang bisa,
451
00:38:50,120 --> 00:38:53,520
at idineklarang lehitimo
ang kasal ni Anne kay Henry.
452
00:38:54,600 --> 00:38:59,200
Mararanasan ni Anne ang pinakapambihirang
sandali sa kanyang buhay.
453
00:38:59,280 --> 00:39:00,200
Ang koronasyon niya.
454
00:39:00,280 --> 00:39:06,040
Lahat ng tao sa London ay kinailangang
maglagay ng pageants at banners
455
00:39:06,120 --> 00:39:10,000
at ipagdiwang si Anne,
sa kahulugan ay sambahin siya.
456
00:39:10,880 --> 00:39:13,160
Apat na araw na pagdiriwang ito,
457
00:39:13,240 --> 00:39:17,280
at sa puso nito,
ang sentro ng atensyon ay si Anne.
458
00:39:18,000 --> 00:39:21,800
Kapag dumampi ang korona sa ulo,
nagawa na niya. Siya ang Reyna.
459
00:39:23,880 --> 00:39:26,840
Desperado akong umihi ulit.
Normal ba 'yon?
460
00:39:26,920 --> 00:39:30,280
May pressure sa'yong pantog.
At kung minana ng bata ang binti ng tatay,
461
00:39:30,360 --> 00:39:34,040
baka pinipigilan mo talaga.
Ngumiti lang sa sakit.
462
00:39:34,120 --> 00:39:35,400
Ayan na siya.
463
00:39:37,240 --> 00:39:39,000
Mukha kang malahari, kapatid.
464
00:39:39,080 --> 00:39:40,640
Ang galing niyon!
465
00:39:40,720 --> 00:39:44,160
'Di ako makapaniwala
na ang hipag ko ay ang Reyna ng England.
466
00:39:44,240 --> 00:39:47,760
Sino'ng nag-akala?
Isang Boleyn sa trono ng English.
467
00:39:51,640 --> 00:39:53,840
Sige. Kunin niyo na si Tatay Boleyn
468
00:39:53,920 --> 00:39:57,480
bago siyang magluha sa aking damit.
469
00:39:58,240 --> 00:39:59,240
Aking Reyna!
470
00:40:04,680 --> 00:40:07,200
At sa magiging Hari ng England.
471
00:40:11,400 --> 00:40:14,880
Heto kung saan ginagawa
ang mga fairy tales.
472
00:40:14,960 --> 00:40:20,040
Ang kailangan lang gawin ni Anne
ay mag-anak ng malusog na lalaki,
473
00:40:20,120 --> 00:40:23,320
at ang fairy tale niya
ay magkakaroon ng masayang katapusan.
474
00:40:37,360 --> 00:40:40,480
Ayos ka lang! Kaya mo 'to, okay?
475
00:40:40,560 --> 00:40:43,720
Halika, huminga kasabay ko.
476
00:40:43,800 --> 00:40:44,960
Sige.
477
00:40:47,120 --> 00:40:49,880
'Di ko kaya.
Sobrang pagod ko! 'Di ko kaya!
478
00:40:49,960 --> 00:40:52,400
Anne, tingnan mo ako. Oo?
479
00:40:52,480 --> 00:40:53,600
Ang susunod na Hari
480
00:40:53,680 --> 00:40:57,880
ay parating na
sa mundong ito ngayon, okay?
481
00:40:57,960 --> 00:41:00,720
Lahat ng pinangarap mo, mangyayari na.
482
00:41:01,240 --> 00:41:05,360
Pero kailangan kitang mag-focus.
483
00:41:17,200 --> 00:41:20,360
Para kay Anne, nakasalalay lahat dito.
484
00:41:20,440 --> 00:41:23,480
Alam niyang 'di sapat ang anak na babae.
485
00:41:23,560 --> 00:41:25,920
Sa panahon ngayon, 'di-kapani-paniwala
486
00:41:26,000 --> 00:41:32,080
na nakasalalay ang kapalaran ni Anne
sa pagsilang ng lalaki, hindi babae.
487
00:41:32,160 --> 00:41:36,880
Ang tanging paraan na si Anne
ay magiging ganap na ligtas
488
00:41:37,720 --> 00:41:42,720
ay magsilang ng lalaki
na kinailangan ni Henry maging Hari.
489
00:41:42,800 --> 00:41:44,840
May problema ba sa kanya?
490
00:42:38,760 --> 00:42:43,760
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni:
Nick Barrios